letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de from saudi with love - loonie

Loading...

[chorus: k.a. antonio]
laging nananabik sa yakap mo
sayong pagbabalik asahan mo
kamay mo lang ang laging hawak ko
halik ang kalakip nitong sulat mo

[verse 1: loonie]
dear susan, my love, nasa saudi na ako
sa wakas nakatapak na ang mga paa ko
alam mo, ang buhay dito ay masalimuot
ang init-init na nga ang dami pa nilang suot
sibuyas pinapapak nila parang mansanas
kaya pala hindi sila tinatablan ng tawas
alam mo bang para makapag padala
kayod kabayo ang trabaho ko, dala-dalawa
sekyu sa umaga, tagatimpla ng kape
para ‘yung kita malaki, masahista pa sa gabi
‘yung isang kasama ko pinarusahan sa kampus
pinahubad lahat ta’s pinayakap sa cactus
hanggang dito na lang mag-iingat ka palagi
tiis-tiis na muna pipilitin kong bumawi
at hindi lang sulat to may konting pera dyan sa selyo
nap-n-lunan ko sa karera ng kamelyo

[chorus: k.a. antonio]
laging nananabik sa yakap mo
sayong pagbabalik asahan mo
kamay mo lang ang laging hawak ko
halik ang kalakip nitong sulat mo
[verse 2: loonie]
dear susan, miss na miss ko na ang pilipinas
kaya tinitiis ko na lang
mga biglaang pag sabog dito ay gugulatin ka
putukan ng baril naman ay pupuyatin ka
hindi ka mabubuhay dito kung iyakin ka
minsanan lang kung umulan tapos buhangin pa
nakakasaw-ng magtrabaho maghapong nakatayo
napakahirap pala talagang mapalayo
solitaryo palagi ang aking nilalaro
nakakasawa nang k-main ng baboy nang patago
sa amo kong arabong madalas kang mamaltrato
tapos madamot sa sahod masahol pa sa balato
saktong-sakto kaya minsan kulang ang padala
pagpasensyahan mo na walang=wala lang talaga
susan, mahal kita ‘yun lang ang aking masasabi
lagi mong tandaan maaalala mo palagi

[chorus: k.a. antonio]
laging nananabik sa yakap mo
sayong pagbabalik asahan mo
kamay mo lang ang laging hawak ko
halik ang kalakip nitong sulat mo

[verse 3: loonie & j-hon]
dear susan, kamusta na? sagot naman dyan
ano ka ba? buti pa patay nagpaparamdam
pangalan ko sa isip mo meron na bang pumalit?
meron na bang humalili, meron na bang pamalit?
gusto ko nang bumalik, alam mo ba kagabi?
‘yung amo ko sa kwarto ko bigla na lang pumanik
parang manghahalik, sabik na sabik
ang sabi niya “sa d-ck, kiss me sa d-ck!”
lumapit siya sakin na parang may gustong mangyari
parang gustong angkinin ang aking pag-aari
buti na lang marunong akong mag karate
grabe ang mga sumunod na pangyayari
leeg niya ay nabali, doon ako nayari
baka pugutan na ‘ko bukas ng tanghali
mahal kita susan yun lang ang aking masasabi
lagi mong tandaan maaalala mo palagi
[chorus: k.a. antonio j-hon, loonie]
laging nananabik sa yakap mo
sayong pagbabalik asahan mo
kamay mo lang ang laging hawak ko
halik ang kalakip nitong sulat mo (sa d-ck, kiss me sa d-ck!)
(lagi mong tandaan maaalala mo palagi)

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...