letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de alikwa - zend luke and freedo

Loading...

[verse: zend luke]
ako ang gumagawa ng bugtong, ang sasagot ay ikaw o siya
katotohanan ay hubad, kailangan kong gawing maskara ang hiwaga
ginto ang oras nakakahinayang, gusto kong magipon ng oras
ngunit sa tuwing di ko to ginagamit ay mas lalong nasasayang

para sa taong baliktad ang lalim ng kalangitan ay kusa
tumingala ka paibaba sa mga bituwin sa ilalim ng lupa
dahil may kanya-kanyang ang mga obra at piyesa
kami ang pwersa ng kaliwa, kami ang balanse ng eksena
[verse: freedo]
nakatayo sa dulo ng buhay pilit kinakatok ang pagsisisi
tulala habang naka titig sa obra ng isang pintor na kaliwete
nasipaglaglag ang mga tala sa tuwing nahihinog ang gabi
ako’y mamarkahan mong makasalanan kung kapos ka sa pag intindi

tayo’y makapatid sa lupa iko’y isinilang upang magsalita
ako’y isinilang upang umunawa tila gamu-gamu ang mga ideya
sa tuwing nag aapoy ang aking diwa at nabibingi sa katahimikan
sa tuwing pinapakinggan ang wala

[verse: zend luke]
mga ninuno ko’y ako rin daang-daang taong paghahanda
pag kausap ko sarili ko wag kang sumabat usapan yan ng matatanda
wala daw sa reyalidad puro tayutay at bugtong
mali, ito ay parte ng reyalidad na di mo pa natutungtong

naguumpisa ka palang bumaybay natuto na kong tumalinghaga
sinusulat ko ang mga bag-y na hindi mo kayang maunawa
naumay sa ordinaryo nakipag laro ako sa dagok
ginawa kong tahanan ang yungib kung saan walang gusto pumasok

[verse: freedo]
ikay sumasalo sa mga bala habang k-makanta ang mga sugat
kami hindi naiiba sadyang kapos ka lang sa pag tanggap
oo walang bunganga ang langit subalit may pangil ang kidlat
sadyang oras lamang ang lumilipas kailan ma’y hindi ang alamat
nakikipaglaro sa paglimot akoy nagtatago sa mga alaala
at sa masungit na panahon tinutulay ko kanyang pasensya
pagbubuksan kita ng bintana pag sinilang ka na bilang tala
at doon sabay natin nating hihilingin na lahat ay maging mapayapa

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...