letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de mas mahal na kita ngayon - young men

Loading...

mas mahal na kita ng-yon
higit pa kaysa noon
mas mahal na kita ng-yon
at sa habang panahon

wala akong pakialam sa ‘king nakaraan
kahit na ako’y pinagtatawanan
ang mahalaga’y mas mahal na kita ng-yon
dahil…

‘di mo na ‘ko tinutulak sa ‘ting hagdanan
‘di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
at sa gabi, ‘pag ako’y tulog nang mahimbing
‘di mo na ako tinatakpan ng unan
‘di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
‘di mo na ‘ko sinisipa sa ‘king harapan
mas makinis na rin ang balat sa dibdib
dahil hinding-hindi mo na ‘ko pinakukulam
ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
‘di ko na ramdam ‘pagka’t mas mahal na kita ng-yon
mas mahal na kita ng-yon
‘wag ka nang magtatanong
basta’t mahal na kita ng-yon
‘yan ang lagi kong tugon

kahit ‘di mo nakikita o nararamdaman
ang aking tuwa ay walang paglagyan
ang alam ko lang, mas mahal na kita ng-yon
dahil…

‘di mo na pinapakain ng para sa pusa
‘di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
at ‘pag sinabi mo sa ‘king damit ko’y maganda
‘di na masyadong malakas ang iyong tawa
‘di mo na ‘ko pinasisinghot ng paminta
‘di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
hindi na kulay dugo ang aking paningin
dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
‘di ko na ramdam ‘pagka’t mas mahal na kita ng-yon

ang mahalaga’y mas mahal na kita ng-yon
dahil…

‘di mo na kinukwentong satanista ako
at ang nanay ko’y ni-rape ng isang maligno
nabawasan na rin ang bukol sa ulo
dahil hindi mo na ‘ko pinapalo ng tubo
‘di mo na pinapalayas nang nakahubo
‘di mo na pinapaligo ng bagong kulo
medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon, huwohuwohuwo
(‘di ko na ramdam ‘pagka’t mas mahal na kita ng-yon)
kahit nasa’n ka man, mas mahal na kita ng-yon
ang cute mo naman, bag-y ka sa iyong
ataul
hay, salamat

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...