letra de ozone (itulak ang pinto) [live] - unique
tagalog
[verse 1]
itulak ang pinto, papasok sa sayawan
sa gabing ito’y may isang inaasahang
makasayaw at makapiling
hanggang kinabukasan
mabubuo ang alaala
mapapaso ang kaluluwa
basang-basa ng pawis dahil sa arsonista ’kong mata
magliliyab kapag ako’y lumapit nang tuluyan
[chorus]
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
[verse 2]
tinulak ang pinto ng iilang kaibigan
may k-malat sa loob, lahat ay nagsitakbuhan
isang daan kaming lumalayo mula sa kamatayan
mabubura ang alaala
mapapaso ang kaluluwa
basang basa ng pawis ang pagitan ng aking mata
naging abo ang ating buhay at pag-iibigan
[chorus]
sunog ang katawan, ulo hanggang paa
dagitab ng bawat isa ay nadarama
sunog ang katawan, ulo hanggang paa
dagitab ng bawat isa ay nadarama
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
sunugin natin ang ating mga paa
dagitab ng bawat padyak ay nadarama
[outro]
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
itulak ang pinto
letras aleatórias
- paul mccartney › letra de wonderful christmastime - paul mccartney
- emeli sande › letra de kung fu (remix) - emeli sandé
- denzel roberts › letra de manny right - denzel roberts
- szamz › letra de na ten moment - szamz
- arbol › letra de el viaje de mi vida - árbol
- chezidek › letra de call pon dem - chezidek
- movits › letra de vals på vinkelgränd - movits!
- lo stato sociale › letra de sono così indie - versione estesa - lo stato sociale
- busdriver › letra de stylin under pressure - busdriver
- trae tha truth › letra de gangsta 4 life - trae tha truth