letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de paagi - udd

Loading...

[intro]
mga kaluluwa
saan kayo papunta?
ako’y makikiraan
kaya’t pakibuksan
ang pintuan

[verse 1]
‘wag mangangamba
ako’y ‘di mag-iisa
handa nang dalawin ng pangungulila
ang nakaraan
ay nasa harapan
ang kasalukuyan, ilusyon lamang

[chorus 1]
ang sabi ng marurunong
nag-iisang pangalan
lamang ang pagitan sa’tin
naniniwala ang puso ko
na pansamantala lang
ang ‘yong pamamaalam

[verse 2]
minsan sa gabi
‘di mapakali
tila ba ako’y may pagkakamali
[chorus 2]
sadyang nakakapanghina
parang ‘di ko kakayanin
bigat ng mundo sa’kin
ngunit ako’y magsisikap
hindi ko sasayangin
pamana mo sa akin

[bridge]
dahan-dahan
sa pangako
may nakikinig
sa bawat kanto
paagi ‘yang lihim

[outro]
i fear no one
when i feel you next to me
i fear no one
when i feel you next to me

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...