letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de pasista - teyo j

Loading...

verse 1:

mga pasista, sige lang nakaw pa
ganid at gahaman ang nanguna
pilipinas pinipilas kotang-kota na
may-yaman na kaya’t kinayaman pa
isa-isahin ang mga naka tago
tila bang ano ba ang pagbabago?
marahil baka lang sa mga tao
upang makuha ang mga boto
ano ba talaga ang pagbabago?
para nga ba talaga sa tao, tapos?
tigil na sa dahilan maraming paraan, pero ayaw lang
kapit sa patalim ang mga linya niyan
maralitang nagugutom, ginugutom pa
onting-onti nasusunog, ayan na mga usok
hirapan makitusok, matang dinudukot
bantang nakaturo, tokhang nakatutok
ayan na nasa sulok handang humarurot

mga pasista! (sige lang nakaw pa!)
mga pasista! (sige lang loko pa!)
mga pasista! (sige lang magpasok pa!)
mga pasista! (sige lang kitil pa!)
mga pasista! (tok!tok!)

verse 2:

toktok! hanggang maubos ang iba
gang bang wala nang ititira, diba?
saksak, kanino ‘tong dugong natira
bintang, walang matuturo na iba
tinamaan ang may tama (tama!)
sapagkat tumama ang hinala (pamamahala!)
bagamat sa tamang bumagabag
tila bang nakakadagdag sa paki-sama
nakibilang sa mga tsina’t, nakalista
binebenta pati-patong sama-sama
pera-perahan, peryahan ang pinas
kilo-kilohan sa kita ng bigas
andiyan na sila ‘di magpapa-pigil
kasi k-mikitil, hindi titigil
bida-bidang bumibida ‘kala mo anghel
yumayaman nang yumayaman at dahil
sa pera ng hindi sakanila (kanila)
yumayabong ang mga mata (mga mata)
matatamis na salitaan at talagang
nagpauto naman mga tanga (mga tanga!)

outro:
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!
toktok! hanggang maubos ang lahat!

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...