letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de anim na talampakan - supremo pablo

Loading...

[verse 1:]
panibagong araw ganun parin ang senaryo
parehong kaganapan ang nakikita sa dyaryo
pag-init ng mundo, patayan at mga kurakot
hindi ka ba nababahala at nakakatakot

na ang mga nangyayari sa loob ng planeta
kaylayo na talaga narating ng siyensya
meron nanamang bagong likha na imbensyon
di mo na malaman kung malinis ba ang intensyon

ang mundo nating ito tuloy tuloy lang sa pag-ikot
pero nag-iiba mga daan, pasikot-sikot
mahirap na ng-yon sa daloy ay mapag-iwanan
patuloy habulin ang ilaw nang maliwanagan

dapat laging uhaw gutom sa mga kaalaman
para hindi ka gawing instrumento ng kalaban
nagbago na ang mundo ‘di na uubra yung dati
mas masahol pa ang saradong utak sa ignorante

[hook:]
ang mundo nating ito
tila nakakalito
minsan ay nasa taas
minsan naman ay sa baba
minsan alam mo na
minsan ay nangangapa

ang mundo nating ito
para bang romantiko
merong nagwawagi
meron ding nasasaktan
pero tuloy parin ang kwento magpakailanman

[verse 2:]
ang mundo natin ng-yon ay hindi mo na mahulaan
mga susunod na pangyayari at ang kaganapan
hindi mo na tiyak kung ano ba ang paghahandaan
akala mo diretso yun pala kurbadang daan

sobrang hirap nang malaman ang kaibahan
sino nga bang tunay na kabutihan at kasamaan
di malayo na ikaw ang susunod na biktima
ang iyong pagkalito, gagamitin na nila

uh, gahaman sa kapangyarihan
ng-yon kayumanggi ang dating mga luntian
di na makatanggi pag nakatanggap ng suhol
madadala mo ba ang salapi, pagdating mo dun sa burol

anim na talampakan sa ilalim ng lupa
lahat tayo dun din pupunta kahit anong sagupa
man kay kamatayan ay walang silbi ang p-n-langin
diyos na ang nagsabing buhay ay hiram lang natin

[hook:]
ang mundo nating ito
tila nakakalito
minsan ay nasa taas
minsan naman ay sa baba
minsan alam mo na
minsan ay nangangapa

ang mundo nating ito
para bang romantiko
merong nagwawagi
meron ding nasasaktan
pero tuloy parin ang kwento magpakailanman

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...