letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de maria - sub a of systmtc music

Loading...

gabt:
at kahit tingin sa atin masama
abot langit ang aking nadarama
parang makiling malaki kanyang bundok
parang magdalena dadalhin ka sa tuktok
parang siya si clara ako kanyang ibarra
siguradong kilala mo rin si maria

deiville:
o aking maria
nasaan ka na ba?
matagal na kitang di nakakasama
malungkot ang gabi mula ng mawala ka
aking naaalala
magkatabi sa kama
pag-gising sa umaga
halimuyak mo pa lang aking pampagana
ng-yo’y nasasabik sa iyong pagbabalik
madampi sa labi matamis mong halik
aalagaan gabi-gabi dinidilig
maamoy pa lang kita ako ay kinikilig
this time sana hindi ka na mawalay
pagtatanggol kita matuyo man aking laway
ikaw ang nag-angat sa aking lubog na buhay
pag kasama ka maria i’m just feeling so high

gabt:
at kahit tingin sa atin masama
abot langit ang aking nadarama
parang makiling malaki kanyang bundok
parang magdalena dadalhin ka sa tuktok
parang siya si clara ako kanyang ibarra
siguradong kilala mo rin si maria

systmtc:
hindi ko alam kung bawal ba ‘to
napa-ibig ako sa aking guro
naakit ako sa kanyang turo
pag siya ang kasama, tiyan ay laging puno
sabit kuko, matik lango
ang hatid ng hangin niya sakin bango
kahit sabihin na naadik ako
masarap siyang kasama basta laging tago uhh
laging destinasyon ay ang kakahuyan
sa damuhan kami nagbababuyan
kadalasan lang ay nag aamuyan
laro sa apoy madalas ay papatos yan
sino ba naman ang di gaganahan
mag aral kahit na madalas ay magkaubusan
sabi ni uncle bob, “safe tayo jan”
basta wag sa batuhan, baka kayo matokhang uhh

gabt:
at kahit tingin sa atin masama
abot langit ang aking nadarama
parang makiling malaki kanyang bundok
parang magdalena dadalhin ka sa tuktok
parang siya si clara ako kanyang ibarra
siguradong kilala mo rin si maria

jt:
bulaklak na mahiwaga, ika’y kakaiba
napapangiti mo sino pa man kahit ika’y lanta
mapa-tingi man o bulto lilig-ya kahit sino
lalo na’t ‘pag hinandog mo na ito ng panregalo
alam mo naman ‘pag andyan ka
ay paniguradong hahabulin ka na nila
sa iyong halimuyak pati mga chikas ay bibisita
lungkot ng kanilang mga mata’y pinapasaya
o maria sa’yo lang tanging nakalaan
ang lawak ng eskinita mo’y katumbas limang daan
kahit na mundo ay aking pasan
kahit gaano kabigat magaan ang pakiramdam
di mapigilan dahil ikaw ang aking hilig
pinapalig-ya kahit ano man ang himig
magbago man ang ihip di mabaling aking isip
sabihin mang mali na ako sayo’y umibig

gabt:
at kahit tingin sa atin masama
abot langit ang aking nadarama
parang makiling malaki kanyang bundok
parang magdalena dadalhin ka sa tuktok
parang siya si clara ako kanyang ibarra
siguradong kilala mo rin si maria

lagi lang tama pag ikaw ang kasama
walang masama, sa ating pagsasama
lagi lang tama pag ikaw ang kasama
walang masama, sa ating pagsasama
lagi lang tama pag ikaw ang kasama
walang masama, sa ating pagsasama

pag-ibig na wagas sa akin ay tumama
bawal lang tayo sa walang pang-unawa

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...