letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de mukha mo - sleep kitchen

Loading...

gusto ko nang matulog
apat na libong tupa naigrupo-grupo ko na
apat na libong hayop kada hayop na galing sa
arko ni noah

gusto ko nang matulog
dyahe sa umaga ang bayolenteng magising
at sayang ang kapeng maya’t maya’y naubos na
sa kakasagi

dyahe sa umagang siguradong kay ganda pero
‘di na’ko aasang ako’y kakalma para matulog, at gusto ko nang matulog
gustong gustong gustong gustong gusto ko nang matulog
tama na’ng iyak-iyak-iyak

pero paggising ko nito siguradong sigurado
tunaw ang kilay ko kakatago ng matang namumugto at
pigilin ko man mabuburyo lang tayo
punit ang abot ng tisis ko, takte napakamahal kayang

magpaxerox kay ate ofel du’n sa kalayaan college
anlayo pa ng up, bawi lang sa pamasahe
iiyak lang ako sa jeep [nakakahiya sa katabi]
at kakagat ng labing natatanggal unti-unti

punyeta
punyeta talaga
gustong gustong gustong gustong gusto ko nang matulog
tama na’ng iyak-iyak-iyak
pero kung ‘di man ako iiyak ay sasabog lang ako
baka masunog ang bahay ko, tulog pa si grace nono at
kung hindi man ako sasabog ay kailangan kong tumakbo nang tumakbo nang tumakbo hanggang sa pader ang kaharap ko

dahil gusto kong makaramdam ng malalim na pakiramdam
dambuhalang pwersang pwede kong gantihan ng
lahat ng akin ding nararamdaman ng
lahat ng akin ding nararamdaman

lahat ng beses na ‘di ko nasabi ang gustong sabihin
lahat ng beses na ‘di ko nagawa ang gustong gawin
lahat ng pagkakataong ‘di ko nailigtas ang mundo
lahat ng pagkakataong ‘di ko maipinta ang araw mo

gusto kitang maging masaya
gustong gustong gusto kitang maging masaya
tama na’ng pagpapalipas lang ng mga araw
wala pang usap-usap, tama na ‘tong iyak

hindi ko alam
hindi ko alam kung ano ang nangyari
gustuhin ko mang matulog
ayokong matulog kung bukas ‘di ka na

malig-ya; gusto lang kitang maging malig-ya
sa balat nitong sangmaliwanag

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...