letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de ayoko na - rub-n ft. vicente

Loading...

[verse 1]
gano’n naman diba?
‘pag mahal mo,okay lang na ikaw ay mag pakatanga
kahit na paulit ulit pa ang mga kasalanan na kanyang ginagawa
upang sa akin ikaw lang ay manatili
nakahanda kong lokohin lagi ang sarili
para pag takpan lang ang ’yong pagkakamali
kasi pinanghawakan ang lagi mong sinasabi
na mahal mo ako at ayaw mo na muli
pa sa akin na ikaw ay magkamali
kaya napakadali kitang napatawad,tinanggap na wala ng pag aatubili
bakit parang nakalimot ka sa pangako mo na hindi ka na uli maghahanap pa ng iba?
sawa na sa paulit ulit kong pag iintindi sa mali mo na ginagawa
bakit ba hindi ka makuntento?
bakit palagi mo na lang akong niloloko?
dahil ‘di ko ba maibig-y ang iyong mga luho
humanap ka sa iba ng modernong panunuyo
kahit nakaka insulto alam ko naman na lokohan lang at hindi tunay ang pagmamahal mo,yan ay pinag tiisan ko sa akala ko na ikaw pa ay aking mapagbabago

[chorus]
hanggang kailan ba aasa?
ako ay sawa na
paulit ulit nalang
palagi mong sasaktan
pagod ng lumuha
tama na sawa na ang unawain ka
naging manhid na lang sa larong iyong ginawa
ilang beses din sa iyo
ako ay nakatulala
bago magising at masabi sayo ay ayoko na

[verse 2]
ayoko nang umasa
ayoko na muli pa sa iyo ay maniwala
tama na ang drama
pagod na rin ang mga mata ko sa kakaluha
ubos na ang pasensya
di ko na lolokohin ang sarili para tanggapin ka
wag ka nang mag paliwanag pa, ‘di pa ba sapat na hindi na ako masaya
ikaw ang nag tulak sa akin na ako ay mag kaganito,wag kang mag panggap na nalilito
alam mong ginawa ko ang lahat para sa iyo sinakyan ko ang mga kalokohan mo
pero ‘di parin pala ito sayo naging sapat,para sa akin ikaw ay makuntento
alam mo rin bang pinaglaban ko parin pag ibig mo kahit na masasaktan lamang ako
gano’n naman diba?
‘pag mahal mo okay lang na ikaw ay magpakatanga
kahit na paulit ulit pa ang mga kasalanan na kanyang ginagawa
ganyan ako sayo nag paloko
kahit na alam ko na sa akin di kana interesado
na maibalik yung dating tayo
okay lang kasi manhid narin ako sa mga ginawa mo

[chorus]
hanggang kailan ba aasa?
ako ay sawa na
paulit ulit nalang
palagi mong sasasaktan
pagod ng lumuha
tama na sawa na ang unawain ka
naging manhid na lang sa larong iyong ginawa
ilang beses din sa iyo
ako ay nakatulala
bago magising at masabi sayo ay ayoko na

[verse 3]
sige na,malaya kana wala akong magagawa kung dyan ka masaya
pasensya kana kung ayaw na kitang makita at masilayan pa
ayoko na kasi ang makipag lokohan
sawa na ako na iyo na pag laruan
ilang beses na kitang pinag bigyan
hindi ko na mabilang,di mo pinahalagahan
ang sakripisyong ginawa para ‘di ka k-mawala
pinili ko nalang ang mag pakatanga
pero lalo lang lumala sa akin ay nag bago ka
umasa na naman pala ako sa wala
pag ibig mo ay tumabang
di man lang kita na kitaan na ikaw ay nanghinayang pa
sa ating pag iibigan kahit sana kasinungalingan lamang ay iyong pinadama
pinilit ko namang ilaban
pero bakit parang ikaw yung nahirapan?
sa ating dalawa ikaw yung nag loko sa asta mo bakit parang ako pa yung may kasalanan?
wala na nga ‘kong mailuha
ubos na sa paulit ulit mo na pakikipag landian
kaya nagsawa na ‘ko na makipag habulan
dahil gising narin ako sa’king mga katangahan

[chorus]
hanggang kailan ba aasa?
ako ay sawa na
paulit ulit nalang
palagi mong sasasaktan
pagod ng lumuha
tama na sawa na ang unawain ka
naging manhid na lang sa larong iyong ginawa
ilang beses din sa iyo ako ay nakatulala
bago magising at masabi sayo ay ayoko na

[end]