letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de tindahan ni aling nena - reb atabero, topper fabregas, boo gabunada, ensemble

Loading...

isang araw
isang araw
isang araw

pumunta ako sa tindahan ni aling nena
para b-mili ng suka, burger, shampoo, toothpaste, toothbrush, noodles
yun lang…
pagbayad ko aking nakita
isang dalagang nakadungaw sa bintana
natulala ako laglag ang puso ko
nalaglag din ang suka, burger (ay!)
pati pantie ko..
napasigaw si aling nena
ako naman ay parang nakuryenteng pusa(meow!)
ngunit natanggal ang hiya nang makita ko na
nakatawa ang dalaga(ha ha ha)
panay ang sorry ko
sa pagmamadali nakalimutan pa ang sukli ko
pagdating sa bahay nagalit si nanay
pero oks lang ako ay inlababo ng tunay

tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera

pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala (la la la la la)
ngunit sabi ni aling nena
habang maaga’y huwag na raw akong umasa
anak niya’y aalis na papuntang canada
tatlong araw na lang ay ba-bye na

tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera

hindi mapigil ang damdamin
ako’y nagmakaaw-ng ipakilala
payag daw siya kung araw-araw
meron akong binibili sa tinda niya
ako’y pumayag at pinakilala niya
sa kanyang kaisa-isang dalaga
ngunit nang makilala siya’y tumalikod na
at iniwan akong napatanga!

tindahan ni aling nena
parang isang kwentong pampelikula
mura na at sari-sari pa ang itinitinda
pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera

tindahan ni aling nena
dito nauubos ang aking pera
araw-araw ay naghihintay
(aling nena!)
o aling nena, please naman maawa ka-ahh

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...