letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de kalinaw - prjct18

Loading...

[verse 1]
sa’yo’y lubos na humahanga
batid mula ulo hanggang paa
batid mo ba? ihahatid kita
sa lugar kung saan payapa na
sa daang tayo lamang dalawa
sa lubak na ikaw lang ang kasama
sasamahan kita

[pre-chorus]
luha’y pipigilan sa awit ng puno’y sasabay
dagat man ang pagitan
itataas ko aking mga kamay
ang awit na ito’y sa’yo at sa’yo lamang, sinta
[verse 2]
hindi ka madidismaya, heto ilalatag ko
‘pag siya nang bumara
talo pati pato, pro ba ito?
teka, ano ba ‘to? hay nako, nalilito nako

[verse 3]
‘di naman sa pagmamayabang
kwento ko lang aking nalalaman
hindi niyo ba alam siya’y epektibong
manunulat at taga-kwento
sige, subukan nating bilangin
hindi sa daliri, siguro so buhangin
oh, ano? pa’no ko ba sasabihin?
handa ka na bang makinig sa akin? haha
nagsimula sa isang panaginip
ng-yon sabay na nating tatahakin
mga pangarap ko, pangarap mo
hindi lamang sa istorya ko, pati sa istorya mo
sa mundong ito, sabay tayong babangon, tara

[chorus]
ohh, kahit ga’no man kalalim ang gabi
hindi mamumutawi, mga lungkot ay mapapawi
ohh, hindi manghihingi ng saklolo
kung kailangan mo ‘ko liligtas ka mula sa k-munoy
batid sa’yong mga mata ang takot at pagkabalisa
tahan na, ako’y nandito na
[verse 4]
‘di mo man aminin dama ang ‘yong damdamin
tuwing sa buwan nakatingin may mga nakatagong lihim
‘di ko sinasabi sa’kin na lang sarili
buti pa sila, nasasabi na

[pre-chorus]
luha’y pipigilan sa awit ng puno’y sasabay
dagat man ang pagitan
itataas ko aking mga kamay
ang awit na ito’y sa’yo at sa’yo lamang, sinta

[chorus]
ohh, kahit gaano man kalalim ang gabi
hindi mamumutawi mga lungkot ay mapapawi
ohh, ‘di mapapatid ang pagsamo
kung kailangan mo ako ililigtas ka mula k-munoy

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...