letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de kpls - plagpul

Loading...

[intro]
ehem

[verse]
kung pwede lang sanang ika’y aking kasama
ka-date, ka-hold hands, ka-buddy sa barikada
kung pwede lang sanang sa iyo’y maipakita
na tayo’y mas okay kung tama ang sistema

[pre-chorus]
kaso hindi, lipunan ay dapat pang baguhin
bakit hati ang oras sa ‘yo at sa tungkulin
oh, pasensiya, mahal ko
kung ang lambingan ay bitin

[verse]
kung pwede lang sanang walang kupal na pulis
politikong epal at magnanakaw ng buwis
kung pwede lang sanang wala nang pagtitiis
nang makapag-full-time sa love story’ng kay tamis

[pre-chorus]
kaso hindi, lipunan na ating baguhin
mapanghati, ang natirang oras ay sulitin
oh, pasensya, mahal ko
sana’y iyong intindihin
[chorus]
pag-ibig ko’y mapagpalaya at abante
pangmatagalan, ‘di kontraktwal, permanente
walang haharang kahit pa ang presidente
ang pag-ibig kong alay, ugat ay lakas ng ating hanay

[verse]
kung pwede lang sanang lagi kang kapiling
at ang hustisya’y nakukuha sa p-n-langin
kung pwede lang sanang mura ang bilihin
at free ang tuition ng mga future children natin

[pre-chorus]
kaso hindi, lipunan ay dapat nang baguhin
‘wag magtimpi, sana’y sumama sa layunin
tayo’y k-milos, mahal ko
sa piling ng masa, ikaw at ako

[chorus]
pag-ibig ko’y mapagpalaya at abante
pangmatagalan, ‘di kontraktwal, permanente
walang haharang kahit pa ang presidente
ang pag-ibig kong alay, ugat ay lakas ng ating hanay

[instrumental break]
[outro]
pag-ibig sa ‘yo at sa bayang ‘di hiwalay
‘di k-mukupas, pag-alab at pulang kulay
ang tulak sa bawat hakbang at tagumpay
oh, aking sinta, aking kasama habangbuhay

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...