letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de piraso - peryodiko

Loading...

sa isang panaginip
ay nakita kong sumilip sa pintuan
nakaipit ang isang piraso ng alaala ng nagdaan

dali-daling nagpumilit na bumangon sa kahapon
para maabot ko lamang ang
piraso na nilipad patungo sa buwan

‘di ko napigilan pang
buksan ang pintuan ng puso ko
na kaybigat-bigat na ng pasan

lumabas ako at naglakad
sa pagitan ng ating mga mundo
na tila ba nagkakabanggaan
nang walang katapusan

‘di ko naman hiningi ito
at di ko nanaisin na magtagal pa
sa gitna ng kalokohang ito
‘di naman ito ang inaasam-asam ko
sana sa pagtulog makapagpahinga ako

paggising sa umaga
pagdilat ng mata
akala ko’y tapos na hindi pa pala
wala na nga bang pinag-iba?
dali-daling nagpumilit
na bumangon na maghapon
baka maabutan nanaman ng sermon…
‘di ko na kakayanin pa

pa’no pipigilan ang
bugso ng damdamin
kung bawat paggising mo
sya laging nauuna?

lumabas man at tumakbo
palayo sa mga mundo kong nagkakabanggaan
ay hindi matatakasan nang walang katapusan

‘di ko naman hiningi ito
at di ko nanaisin na magtagal pa
sa gitna ng kalokohang ito
‘di naman ito ang inaasam-asam ko
sana sa paggising ay buo na muli ako

‘di ko naman hiningi ito
at di ko nanaisin na magtagal pa
sa gitna ng kalokohang ito
hindi naman ito ang inaasam-asam ko
sana sa pagtulog makapagpahinga ako
gabi na naman
nandyan na ang buwan
dala ang piraso ng nakaraan
na nakabalot, nakakubli

bago pumikit, dasal lang saglit
na sana sa paggising ko’y buong buo
buong-buo na ako

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...