letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de wala na talaga - parokya ni edgar

Loading...

[verse]
minsan parang wala nang dahilan
tila nagpapanggap na lamang
ayoko man aminin sa iyo pero
nagsawa na yata ako

[verse]
wala naman tayong problema
ngunit parang hindi na tayo masaya
at kung papipiliin lang ako
parang gusto ko nalang huminto

[verse]
ayaw naman kitang lokohin
magkuwaring sa puso ko’y ikaw pa rin
meron tayong nakaraang pinagsamahan
at ayaw na kitang masaktan

[pre-chorus]
kailangan mong malaman ang katotohanan
kundi pareho lang tayong mahihirapan

[chorus]
hindi na ‘ko kinikilig tuwing ika’y dumarating
hindi na ‘ko natataranta kahit galit ka sa akin
di na ‘ko nakikinig kapag ika’y nagsasalita
wala na ‘kong maramdaman
wala na talaga
[verse]
wag mong isipin na merong iba
hindi yun ang rason kung ba’t ayaw ko na
hindi ko din lubusang maintindihan
basta’t alam ko ay may dahilan

[verse]
pagkat nahihirapan na ang puso ko
para ‘kong nakakulong sa loob ng mundo mo
wag mo nang tanungin kung kailan nagsimula
di ko din alam kung kailan nawala

[verse]
wag mo sanang iisiping may mali kang nagawa
pareho lang tayong walang pagkakasala
hindi ko rin naman ‘to sinadya
mas mabuti ngang hindi na magtagal
sapagkat di na kita mahal

[chorus]
hindi na ‘ko kinikilig tuwing ika’y dumarating
hindi na ‘ko natataranta kahit galit ka sa akin
di na ‘ko nakikinig kapag ika’y nagsasalita
wala na ‘kong maramdaman
wala na talaga
[chorus]
hindi na ‘ko kinikilig kapag ika’y dumarating
hindi na ‘ko natataranta kahit galit ka sa akin
di na ‘ko nakikinig kapag ika’y nagsasalita
wala na ‘kong maramdaman
wala na talaga

[coda]
wala na talaga
wala na talaga

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...