letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de walang magawa - papapeta

Loading...

pagbangon sa umaga
masakit pa ang mata
puyat kasi kagabi
mainit, bukas ba ang bintana
ooohhhh walang magawa

tawag na ako ni mama
bumangon na raw ako sa kama
nakahain na ang lamesa
ako nalang ang wala
oooohhh walang paring magawa

ang buhay sa aming bahay ay paulit-ulit lang
ginawan ko ng kanta
naririnig mo na
ang buhay sa aming bahay ay paulit-ulit lang
kasi tahimik lang
saglit, paidlip lang

(pause)

pagbangon sa umaga
eto uli ang eksena
puyat kasi kagabi
walang bago sa istorya
oohhhh walang magawa
lumabas ako ng kwarto
nakipaglaro ako sa aso
si buddy nga pala, ang pangalan ng aso ko
ooohhhhh wala lang sinabi ko lang

(bridge)
oh oh oh

gusto ko sanang mag palawan
pero hanggang kusina lang
gusto ko sanang mag baguio
pero andito ako sa banyo
gusto ko sanang mag disneyland
pero kay buddy tiis nalang
oooooohhh walang magawa
ooooohhhh walang magawa

ang buhay sa aming bahay ay paulit ulit lang
ginawan ko ng kanta
naririnig mo na
itong buhay sa aming bahay ay gusto ko rin pala
kasi tahimik lang
kasi ang simple lang

oooooh walang magawa
oooooh walang magawa
aking napagtanto
napakaswerte ko pala
sa panahong ganito
ang magulang ko’y nakakasama
mahal ko ang nanay ko
mahal ko ang tatay ko
mahal ko ang pamilya ko
pati ang mga kapatid ko
ooohhh ako’y masaya
ooohhh

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...