letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de hugot - o.c. dawgs

Loading...

hugot lyrics
[verse 1: boss locco]
talaga naman na masaya na ‘ko
magmula nang makalaya na ‘ko sa’yo
‘di ko na kinakailangan ang katulad mo, ang tulad mo
paalam na, ‘tigil na natin ‘to
nagkakamali ka kung inaakala mong
hindi ko makakayanang mawala ka sa’kin
kung pwede ko lang ibalik ang mga kaganapan
‘di na ko makakapayag na ang puso ko’y wasakin
pero ‘di na bale para sa’kin
para sa’kin ‘di na para-para balikan
sapagkat ang tuld mong babae, sa’king puso
at isipan napakadali naman na palitan
boss loco! ang pangalan ng lalaking
‘di mo man lang nabigyan ng pagpapahalaga
kahit masakit tila napakapait
simula nang ipadama mo sa’kin na walang mapapala
a-la-la-la-la-lahanin mo na ‘di ako kundi ikaw ang tanging lumayo
at tanging ikaw din ang bumitaw sa mga sinabi mo sa’kin
panghawakan ko na lamang mga pangakong tayo lamang dalawa
‘di ko inasahang hahantong sa ganito, ‘di ba napakapanatag
at napakapatag matagal na nagpakatatag
ano bang bumabagabag sa isipan mo
naisipan mo na pag-ibig mo
napakadali namang ibaling sa iba-lewala naman sa’kin
nagsasawa na akong mapahiya, makinig ka
[chorus: jnske]
wala ng tamang nangyari sa’tin
pagod na rin akong ika’y unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiw-ng mag-isa
dahil ‘di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong ‘di mo kaya

[verse 2: chiva]
sana’y panaginip na lang lahat
upang ang sakit ay ‘di ko madama
gano’n ba talaga? parang walang halaga?
kaya pala naiwan akong mag-isa
laging balisa, sino ba ang laging tama
at naging sagad sa kamalian, kaya nagdulot ng sakit sa dibdib
sumatutal sa labis ko na katangahan, naging malamang ka
kaya ‘di mo naisip na masasaktan ako sa’yo ng sagad
kung alam ko lang lahat ng ‘to ay isang laro
sana umpisa pa lang tinapos ko agad
mapalad ka at meron kang ako na labis sa’yo
nagmamaldang umunawa, sa lahat ng bag-y ako ang makiki-pake
mali ka ma’y pipilitin kong ikaw ay itama
ngunit tila dahan-dahan nagsasawa na
ang puso ko sa madalas nating ‘di pagkaunawaan
kung sakali na isuko na kita
marahil alam mong pagod na akong muli
pagkatiwalaan, ang tulad mo sa buhay ko
alam ko naman na ika’y malaking parte
kasangga, kaagapay, tagapayo, tanga-tanga, taga-kunsinti
bakit ba kasi kailangan nating matutunang magmahal
kung masasaktan din naman tayo
ang mga tenga nakakandado na sa mga kaibigan
nais lang naman na magbig-y ng payo
napakalabong maitago ang mga bag-y
na kailanman ay ‘di ko sinukuan, kung nagkamali ako
piliin ka’y iyon ang pinakamalaki
kong nagaw-ng kasalanan dahil
[chorus: jnske]
wala ng tamang nangyari sa’tin
pagod na rin akong ika’y unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiw-ng mag-isa
dahil ‘di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong ‘di mo kaya

[verse 3: bullet-d]
hindi ko na kayang itago ang aking nararamdaman
masakit para sa’king maiw-ng mag-isa
‘di naman ako nagkulang sa pagpapahalaga
naaalala ko nang unang beses, pinaasa mo lang ako ng labis
at nais ko sanang iyong malaman
na ikaw ang siyang tunay sa’tin na nawala
kahit anong pag-iintindi at pag-uunawa ko
sawa na ‘ko, pagod na ‘ko, maraming salamat
sa loob ng ilang taon na ako mag-isa
sa relasyon natin ang bumuhat
ni minsan ‘di ko naramdaman ang halaga ko sa’yo
sa luha ko wala kang pake, naging una ka sa prayoridad ko
ngunit ang lahat ay iyong sinantabi
pa’no ba naman kasi, ‘di ka manlalamig sa akin
kung walang nagpapainit sa iyong gabi
laging hindi dahilan ng madalas sa labas
nagmamadali sa paglalandi, ‘di bale na magtalo tayo
sa kadahilanan nang simpleng pabor
na hindi mo kayang masunod, opinyon natin sa bawat isa
argumento natin na magkabukod
[chorus: jnske]
wala ng tamang nangyari sa’tin
pagod na rin akong ika’y unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiw-ng mag-isa
dahil ‘di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong ‘di mo kaya

[verse 4: jnske]
inakala kong walang hangganan
ngunit hindi pala mali pala ang aking natamo
sana ay hindi mo na lang pinadama sa’kin sumaya
kung iiwanan mo lang din naman ako
alam mo bang hindi madali sa’kin maiwanan mag-isa
lalo na sa panahon na kinakailangan pa kita
wala na ba ‘kong halaga para putulin ng bigla?
hindi na ba mababalik kung sa tayo nagsimula?
pa’no ko ba haharapin mag-isa
kung ang kinakatakot ko’y bigla ng dumating
nang hindi ko inasahan na mawawala
na lang ng biglaan ka sa aking paningin
oo, madaling sabihin na kaya ko pa
pero ang aking kalooban nasasaktan na
kapag naalala ko ang mga panahong
kasama ka, hindi maisantabi ang aking saya
‘asan ang mga pangako natin? bakit nag-ibang dako?
kung alam ko lang na ganito kagago, eh ‘di sana naghanda na ko
nang hindi ko na naantala ang dahilan mo para magbago
at ng ‘di ko na nabanaag ang paraan mo para biglang maglaho
siguro nga tama na ang desisyon mo kung wala na talaga
‘tong magagawa kundi bitawan ang lahat at palayain ka
kahit na labag sa kalooban ko basta’t makita lang kitang masaya
habang hawak-hawak ang pangako mo ng nag-iisa

[chorus: jnske]
wala ng tamang nangyari sa’tin
pagod na rin akong ika’y unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiw-ng mag-isa
dahil ‘di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong ‘di mo kaya

[chorus: jnske with skusta clee]
wala ng tamang nangyari sa’tin
pagod na rin akong ika’y unawain
siguro nga tama na ang aking pasya
na limutin ang kahapon, naiw-ng mag-isa
dahil ‘di mo naman sinabi sa’kin
wala na palang pag-ibig mo sa akin
kaya pinilit kong limutin ang lahat
kasi alam kong ‘di mo kaya

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...