letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de paborito - natt dublin

Loading...

parang timang ako’y lutang pag naiisip ka
nananaginip nang gising at natutulala
parang lito at tuliro ‘pag di nagkikita
sumisikip itong dibdib ’pag ikaw ay wala

at ‘pag nandyan ka at tumitig ka, hayyy
at bigla-bigla gusto ko ng mahabang buhay

paborito kitang tao sa mundo
pa’nong minsan akala mo nalilimutan ko
na ibigin kita
eh laging nasa isip ka
araw-araw
oras-oras
gustong gusto kita

parang hibang, nabubuang ‘pag may sorpresa ka
natatawa, namamangha sa dulot mong saya
parang baliw, napapraning ‘pag di ko mapantayan
pag-ibig mong lumalabis halos walang masidlan

at ‘pag nandyan ka at tumitig ka, hayyy
at bigla-bigla gusto ko ng mahabang buhay

paborito kitang tao sa mundo
pa’nong minsan akala mo, nalilimutan ko
na ibigin kita
eh laging nasa isip ka
araw-araw
oras-oras
gustong gusto kita

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...