letra de nakapagtataka - mymp
walang tigil ang gulo
sa aking pag-iisip,
mula nang tayo’y nagpas’yang maghiwalay;
nagpaalam pagka’t hindi tayo bagay,
nakapagtataka (hoh hoh)
kung bakit ganito
ang aking kapalaran;
di ba’t ilang ulit ka nang nagpaalam,
at bawat paalam ay puno nang iyakan?
nakapagtataka, nakapagtataka
hindi ka ba napapagod,
o di kaya nagsasawa,
sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan(oh?)
napahid na’ng mga luha,
damdamin at puso’y tigang,
wala nang maibubuga,
wala na ‘kong maramdaman (hoh)
kung tunay tayong nagmamahalan
ba’t di tayo magkasunduan? (oh hoh hoh)
walang tigil ang ulan
at nasaan ka araw?
napano na’ng pag-ibig sa isa’t isa?
wala na bang nananatiling pag-asa?
nakapagtataka, saan na napunta?
hindi ka ba napapagod,
o di kaya nagsasawa,
sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan(oh?)
hindi ka ba napapagod,
o di kaya nagsasawa,
sa ating mga tampuhang
walang hanggang katapusan(oh?)
kung tunay tayong nagmamahalan,
ba’t di tayo magkasunduan, oh hoh ho hoo?
hmmm…
letras aleatórias
- frank turner › letra de untainted love - frank turner
- diegs dcq › letra de junglas / abdiegslam - diegs dcq
- blush › letra de how to love - blush
- betweentheveinsandi › letra de i hope u eat well - betweentheveinsandi
- willhalo › letra de love or lust - willhalo
- ariane roy › letra de kundah - ariane roy
- lil cake casaparlante › letra de háblame - lil cake & casaparlante
- nevermindthebollocks › letra de brilliants - nevermindthebollocks
- our atlantic › letra de моя любов (my love) - our atlantic
- ayato shi › letra de don't touch me fuckboy! - ayato-shi