letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de pagmamahal - mezarlon

Loading...

chorus: [mezarlon]

‘wag kang mag alala
‘di ka nag-iisa
kasama mo ang maykapal

dahil lagi kang aalalayan
‘di maiiwan ika’y mahalaga

verse one: [mezarlon]

ito’y para sa isang taong may mabuting kalooban
na nagdaramdam sa likod ng maamong katauhan
na hindi alam ng karamihan ang pinagdaanan
hirap sapagka’t mailap tila ‘di mo na makita!

mga bag-y bag-y na siyang gumagabay sa buhay
tunay nga bang may karamay kung minsa’y walang tunay?
sana’y mabigyan ng kasagutan ang katanungang
“hanggang kailan ba kailangang punasan ang bawat luhang pumapatak kahit biyak ang pusong nagka sugat!?”

pero ‘wag kang mag alala dahil ito’y lilipas
sisikat rin ang araw balang araw ay uusad
ka sa lahat ng kinakaharap mong pagsisikap!

dahil alam ng dyos kung gaano ‘to ka sakit
tinitiis mo ang hapdi kaya laging may kapalit
m-n-lig ka’t harapin ang pagsubok na darating
ang galit ay alisin at tumingala sa langit
sa langit
chorus: [aubrey]

‘wag kang mag alala
‘di ka nag-iisa
kasama mo ang maykapal

dahil lagi kang aalalayan
‘di maiiwan ika’y mahalaga

verse two: [mezarlon]

siguro ay nahihirapan ka sa mga sandali
pinipilit mong tiyagain nagtitipid pagkasyahin
punit punit man ang papel basta’t meron kang salapi
ng kayo’y makabili’t matawid sa namamanhid

mong katawan na walang pahingahan
sapat lang na maagapan at kanyang kalag-yan ay maibsan
isang taong nagmamahal kaya mahal ng maykapal
lahat ng ‘yong dinadasal asahan mong matutupad

panatilihing matatag ang pusong may pangarap
damhin ang yakap at imulat ang mga mata
dahil ‘di ka nag iisa kase andyan sila
mga kaibigan mong tunay at pamilyang masaya
kaya kayanin mo dahil gumagabay ang dyos
kahit ika’y napapagod dapat kayanin ang unos
hindi dito matatapos bagkus ito’y panimula lamang
‘wag kang matakot dahil kailan may ‘di ka iiwan

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...