letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de walang babala - loonie

Loading...

[verse: 1]
itong kantang ito’y hindi ‘yung tipical single
‘di ‘yung tiping pwede mong gawing political jingle
‘di ‘yung klaseng awitin na umuuso sa ‘pinas
pinag-isipan kong mabuti, buong pusong binigkas
kasi karamihan nakikinig lang sa imeem
wala raw pera pero meron pambiling ice cream
okay lang, salamat sa suporta
salamat din nang sobra sa lahat ng mga kalaban na k-montra
para balanse na parang valium sa kape
kulang na lang sa aking album ay platinum na plake
pero wala akong pake kung bumili ka o hindi
gusto kong malaman, eh kung bumilib ka ulit
sa mga katangang talagang nakakamangha
obra maestrang, sobrang ayos nang pagkakagawa
malakas mambara pero merong sabaw panulak
ako ay bulalo puro buto pero may utak
[verse 2]
kaliwa’t kanan balitaktakan, matapang na nakipaglaban
ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay nakipagtanan
mahirap paliwanagan baka ‘di pa paniwalaan
kahit tapakan, pare, wala lang, balewala ‘yan
kahit hinihila pababa ng mga pasimple kung bumanat
sabi ko naman sa’yo libre ang mangarap
‘di mo ‘ko kilala, ‘di alam ang kayang kong gawin
kaya niyo ba ‘to, dukha pero ganado pa rin
lahat ng banat malupit kahit hindi sinasaulo
kalaban ay punit na parang liham sa pangulo
mabagal, mabilis, kayang-kaya, wala ‘tong daya
tagalog o english, walang hiya kahit bisaya
paminawa ang sugilanon sa usa ka daot
para to sa mga sibuwano na maka sabot
mura ra gud mga balak nga ginapulti ni syke
chorus na pud ta padung hala pakusgi ang mic

[chorus]
umalis bigla parang bula na biglang nawala
pero ‘di mo na malayan na nand’yan na pala
parang masamang karma pero mas malala
nagbabalik nang walang babala
umalis bigla parang bula na biglang nawala
pero ‘di mo na malayan na nand’yan na pala
parang masamang karma pero mas malala
nagbabalik nang walang babala
[verse 3]
bumalibag sa unang lipad sa murang edad
putangina, kamuntikan ko nang mamura si god
sapagkat bumagsak, desperadong umangat
sumabay sa pinakabeterano sa lahat
at hindi man tumatak miski pa’no bumakat
sa aklat ng mga respetadong alamat
kung uunahin ang respeto sa pera
kukulangin ang bungahin do’n sa puerto galera
kung susukatin sa mеtro ang letra
na parang perpektong kadеna
pakikisama ang sekreto ng eksperto sa gera
pero halatang palaban sa kritiko
talagang malaman ang liriko
para bang sinapian na naman ng masamang espirito
ako si jose rizal na nagpa-semikal
pasado na sana kaso laging bagsak ang medical
makatang psychotic, mayaman sa logic
lisensyado ang dila ko, salamat kay okik

[chorus]
umalis bigla parang bula na biglang nawala
pero ‘di mo na malayan na nand’yan na pala
parang masamang karma pero mas malala
nagbabalik nang walang babala
umalis bigla parang bula na biglang nawala
pero ‘di mo na malayan na nand’yan na pala
parang masamang karma pero mas malala
nagbabalik nang walang babala

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...