letra de bakya mo neneng / caprichosa / labandera ko / mahiwaga - leo valdez
[verse 1]
bakya mo neneng, luma at kupas na
ngunit may bakas pa ng luha mo sinta
sa alaala’y muling nagbalik pa
ang dating kahapong tigib ng lig-ya
[verse 2]
ngunit irog ko, bakit isang araw
hindi mo ginamit ang
bakya kong inialay
sa wari ko ba’y ‘di mo kailangan
‘pagkat ‘ya’y kupas na sa ganda at kulay
[verse 3]
ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw
sa bakya mo neneng na ‘di nasilayan
kung inaakalang ‘yan ay munting bag-y
huwag itapon, aking hirang
ang aliw ko kailanman
[verse 4]
caprichosa kung ika’y tumatawa
ang katulad mo’y mabangong sampaguita
may pang-akit ka na bumabalisa
sa madlang sa ‘yo ay sumasamba
[verse 5]
bakit nga ba kung wala ikaw, hirang
ay para na ring nawala yaring buhay?
nais din kita, pihikan ka man
puso ko’y iyo, caprichosang paraluman
[verse 6]
labandera ko, tunay ka kung gumiliw
ang batya’t balo-balo ang siyang laging kapiling
kung naglalaba sa pagsimoy ng hangin
sa tabi ng batisan, awit mo’y mapapansin
[verse 7]
maging ano man ang hirap sa buhay
ay lig-ya rin kung dulot mo, hirang
sa agos nitong tubig na malinaw
ang sugat ng puso’y aking huhugasan
[verse 8]
(la-la-la-la-la-la-la-la)
(la-la-la-la-la-la)
kung may hirap, may ginhawa
(la-la-la-la-la-la-la-la)
(la-la-la-la-la-la)
sa gawain, diyan ka lilig-ya
[verse 9]
mayro’ng aliw-iw at himig ang tubig
at may gunita sa ating pag-ibig
ang sumpa mo pa’y singlinaw ng batis
na ikaw ay akin lamang hanggang langit
na ikaw ay akin lamang hanggang langit
letras aleatórias
- rip nice › letra de how my life is - rip nice
- jribyo › letra de shangai - jribyo
- pink suits › letra de fake great britain - pink suits
- busta rhymes › letra de woo hah!!! got you all in check (the jay-dee bounce remix) - busta rhymes
- yung princey › letra de pressure - yung princey
- nikko › letra de homicide - nikko
- indecent 88 › letra de молодость (youth) - indecent 88
- daddy yod › letra de rock en zonzon - daddy yod
- wyatt coleman › letra de forecast (freestyle) - wyatt coleman
- det er mig der lyser › letra de kongeriget - det er mig der lyser