letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de salamin - lance santdas & mm13

Loading...

salamin lyrics
[lobo verse]
dugo at pawis, puhunan pagkat salapi ay salat
pudpod na ang lapis, ngunit di tumigil k-mayod pagkat
nangarap ng labis, kaya kinilusan maigi
kalaban sarili hindi nawiwili malawak ang gubat tatakbo ang tigre

napapagod lang pero bukas sasalang ulit
konting kape pag napipikit bago tumamis tiyak may pait
lumalaban lang kahit na malakas man ang alon
malakas kaya hinahamon pataas kaya umaahon

kahit na mahirap, di natinag
sa mga sinasabi nila nakailag
malaya na at lumilikha na
samahan ng respeto at pakikisama
hindi nanghila magandang karma
laking pasasalamat sa mga kasama
mula nung una hanggang magbunga
di malilimutan ang aking pamilya

[chorus]
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
ang layo na ng narating
pero di ko malilimot mga unang naniwala
nung ako’y nagsimulang mangarap
nung wala pa sakin pumapalakpak
hinarap ko lahat aking sinabak
mahirap pero di to nagpatinag
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
malayo man ang marating
hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala

[karisma verse]
maraming nanghila, ewan ko kung bakit
mga pabida, puro panlalait
sige halika at sakin lumapit
aking papakita na kaya ko kahit maraming pasakit tagumpay sasapit

merong naniwala meron ding ayaw
meron nagtiwala sakin balang araw
kaya ko raw abutin ang pangarap pag humataw
wag ka lang puro hiling pagdating ng bulalakaw
sali sa contest todo ang boses minsang naluto minsang natolongges
madalas matalo pagkat walang alipores ni hindi pa nga kilala mula lopez hanggang torres

pero tumuloy kahit merong k-munoy
hinarap ko ang mga balakid naniwala sa sarili kahit na hilahin ako ng mga kapwa pinoy
sinabihan ako ng mahina ng mga rapper na masiba
pero ‘di ko pinatay yung kandila balang araw ako na muka ng bandila

[ob3y verse]
malayo pa pangarap, bawal huminto magsawa
salamat sa suporta gasolina ng bangka
salamat din sa duda tsaka sa di namangha
focus sa sarili at gawa lang nang gawa
inaakit ambisyon tagumpay ang syang maghahari
ang misyon magpasaya upang pagod ay mapawi
haluan ng dedikasyon habang lumalagari
hindi ako papayag na hindi ‘to mangyayari

pangkat aangat kahit sino umawat
sa bawat sapak lalong tumatatag
di raw sapat aking kapasidad
ang aking hangad sa isip tinatak

inilahad aking abilidad kahit di na masulat sa sobrang bigat
mm13 mahirap mahanap lahat ay ginto parang 24 karat

[chorus]
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
ang layo na ng narating
pero di ko malilimot mga unang naniwala
nung ako’y nagsimulang mangarap
nung wala pa sakin pumapalakpak
hinarap ko lahat aking sinabak
mahirap pero di to nagpatinag
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
malayo man ang marating
hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala
[binoy verse]
labing tatlo ang edad ko nung panahong ginusto ko to
sinong mag aakala na di titigilan ng batang paslit pa noon ang gawaing ito
oo talagang nakakabigla ang pagkahilig ko non sa tula
mga salita na magkatugma

nakakatuwa yung mga papuri
pero hindi nawala yung kutya
di naman daw kasi bag-y saakin
mas bag-y pa daw yung rapper ng lumpia
tsaka malamya daw payat daw ako
di daw bag-y mag malaman
pero ang di ko lang maunawaan ay bakit iba ang nararamdaman

imbis mawalan ng gana ay parang merong gasolina na naapuyan
di na napigil ang alab ng aking talento sa musika naidaan
at nakadaan ng di nahirapan sa delikado na talahiban
habang nagkakaedad ay nadadagdagan pa ang lawak ng kapasidad ng abilidad

[neos verse]
bago ko wakasan nais ko muna na mag pasalamat
sa mga taong nag silbing guro kasama sa pag buo ng pangarap
hanggang pag lapat sinisiguradong may amat
mga pursigido na imbis bisyo tanging mikropono lang ang hawak

kaya sa pag apak sa mundo na to kahit pagapang aabante ako
pag lagapak pagpag sabay tayo
sasabayan kahit anong bagyo
ayos lang kung minsan mapalayo
kung ang resulta nito’y pag lago
madalas panga sabihang payaso kasi gusto gumawa ng palasyo

di yon malabo linawan lang ang pang unawa
kilusan agad uportonidad iwasan mo ang pag tunganga bangon sa kama luho tyaka na laging isipin di kapa sagana tuloy tuloy lang sa pag arangkada kapit mahigpit at wag kalimutan na

[chorus]
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
ang layo na ng narating
pero di ko malilimot mga unang naniwala
nung ako’y nagsimulang mangarap
nung wala pa sakin pumapalakpak
hinarap ko lahat aking sinabak
mahirap pero di to nagpatinag
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
malayo man ang marating
hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala

tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
ang layo na ng narating
pero di ko malilimot mga unang naniwala
nung ako’y nagsimulang mangarap
nung wala pa sakin pumapalakpak
hinarap ko lahat aking sinabak
mahirap pero di to nagpatinag
tumingin sa salamin
ikaw pa ba ang nakikita
malayo man ang marating
hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...