letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de determinado - josue (ph) & pablo (sb19)

Loading...

[intro: pablo]
layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
sasapat na nga ba’ng lahat ng ito
kung determinado nga pero ‘di naman makabasag ng plato

[verse 1: josue]
dami nagtanong, ba’t ‘to ang gusto?
tahakin na landas, halika rito
takbo ng utak ko ay malayo sa iyo
mani-obra palayo sa kakitirang ‘yon
kargado’t napuno na rin ng galit ‘to
pero ‘di ako magpapalunod sa lait niyo
patuloy ang andar kahit na bali-baliko
sa’king daaanan, sumpang ‘to ay mababali ko
ano ba’ng sabi ko?

[hook: josue]
determinado
walang makakapigil
‘di terminado
aking sentido
bumabasag ng mga bungo
eto na’ng huling bersikulong
maririnig mo galing sa’yong berdugo

[verse 2: josue]
katumbas ako ng dalawa na ipo
bawat suntok ay may bigat na mala-hippo
kahit si aeolus ‘di ako mahipo
‘pag nagdempsey roll bira mo’y sa anino
musika lang aking bisyo, ang natatanging ambisyon
kahit anumang opinyon
hinding-hindi malilipol, lahat isasakripisyo
hindi kailangang abiso ng kahit na sino
heto nang aking pagsibol
[interlude: pablo]
layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
sasapat na nga ba’ng lahat ng ito
kung determinado nga pero ‘di naman makabasag ng plato

[verse 3: pablo]
‘di ako isang anito
ako’y ‘di hamak lang na isang mortal nga na bagito
apoy ko’y imortal, ‘di halintulad sa palito
nagpapalit ‘to ng anyo ‘pag nakipagbasag-ulo
mga pabibo panigurado
matutusta, tyak sunog sa’kin
ako ang prometheus ng musika, tapos ka
faya lahat ‘pag lumikha, mainit-init pa
kaya sige pabibo pa lemme drop the b
time for me to eat mc

[hook: pablo]
determinado
walang makakapigil
‘di terminado
aking sentido
bumabasag ng mga bungo
eto na’ng huling bersikulong
maririnig mo galing sa’yong berdugo
[verse 4: pablo]
balisa, ‘lang humpay sa paghuhukay ng mga tula
sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay
kahihitay ng pusang galang magtangkang hamakin ang aking buhay
‘di mo maide-deny aking taglay
kahit pa umabot ang paglakad ko ay pasuray-suray
habang buhay maglalakbay
patungo sa’king pangarap na kailan pa man ay ‘di mamamatay

[bridge: josue & pablo]
‘di mamatay, laging man-n-laytay ang enerhiyang aking ibibig-y
baybay lang ang kayang silayan, ‘pag ang puso’t utak ay hindi magka-ugnay
‘di ko kailangan ng lamay, akin na nga ‘yang tinapay
tigilan mo’ng kakahukay, lumayas ka sa’king bahay
kung isip ko’y ‘di rin tunay, ‘lang saysay magbig-y pug-y
matagal na ‘kong patay kung ‘di lang determinado

[breakdown: josue & pablo]
ako ay determinado (ako ay)
isip ko’y determinado
determinado
ako ang iyong berdugo

[outro: pablo]
layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
sasapat na nga ba’ng lahat ng ito
kung determinado nga pero ‘di naman makabasag ng plato

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...