letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de redhorse - jonas dichoso

Loading...

[verse 1: jonas]
‘di ka ba nagsasawa (‘di ka ba nagsasawa?) sa kakabunganga? (sa kakabunganga)
pakiramdam ko dalaw-ng tenga ko’y pinopompyang ng kawa
grabe ka mangulata (grabe ka mangulata), hindi ka naaawa (hindi ka naaawa)
titigil ka lang ‘pag ‘yung ulo ko may dugo nang lumalawa
lumilipad na mga plato, baso, tinidor, at kutsara
malamang isang away na lang, wala nang kakainan dito ‘yung mga bata
puro ka pagseselos (puro ka selos!) at tamang hinala
pa’no ‘ko mambababae? eh nandito ‘ko sa bahay natin, tamang hilata

[pre-hook 1: jonas]
kaya minsan ay gusto nang magbigti
pero sinasabi ng isip ko sa’kin ay hindi
at kapag naaalala kong meron pang kakampi
ay bigla na lamang napapangiti
[hook: jonas]
buti na lang meron pang pulang kabayo
na nagsasalba sa’kin kapag gusto ko nang sumuko
buti na lang meron pang pulang kabayo
na nagsasakay sa’kin kapag gusto kong takasan ang mundo

[post-hook: jonas]
buti na lang meron pa, buti na lang meron pa
buti na lang meron pang pulang kabayo
buti na lang meron pa, buti na lang meron pa
buti na lang meron pang pulang kabayo

[verse 2: poison 13]
lagi ka na lang nagbubunganga, nakakairita (nakakairita!)
hindi ka ba nagsasawa sa kakasigaw? nakakabingi na
lahat na lang ng posibleng mangyari pati ‘yung hindi, napagkokombina
kaya kung minsan ang hirap nang magpaliwanag kaya nakakapundi na
laging tanong, “bakit ganon? kahit ano’ng aking gawin”
sobra ka na sapagkat puro na lang mga pagkukulang ko ang hinaing
‘yoko nang makipagtalo sa’yo dahil ang hirap mo nang madaig
init ng ulo mo ang dahilan sa lahat ng mga gabi na malamig

[pre-hook 2: poison 13]
nakakapagod nang makipag-away (nakakapagod ka na), wala ka bang kapaguran?
bumabait ka lang sa’kin kapag sasapit ang kinsenas at katapusan
buti na lang ay meron pang pampakalma
pampaganda ng tama sa mga maling napupuna
[hook: jonas]
buti na lang meron pang pulang kabayo
na nagsasalba sa’kin kapag gusto ko nang sumuko
buti na lang meron pang pulang kabayo
na nagsasakay sa’kin kapag gusto kong takasan ang mundo

[verse 3: jonas & poison 13]
salamat sa bawat oras na pinaparamdam mo na ako’y may tama
sa lahat ng dinadaing sa’yo, paulit-ulit ay ‘di ka nagsawa
sa alat at tamis ng buhay, laging magkasangga parang mag-asawa
kaya kung mawawala ka, siguradong ang buhay ko’y wala na ding gana
maraming salamat sa byahe, umaga na ang garahe
gamit ang pulang kabayo ay naisakay kahit walang karwahe
kaya mong maging maayos, araw ko man ay maraming sumira
hindi ‘yun suntok sa buwan, alam ko namang malakas kang sumipa

[hook: jonas]
buti na lang meron pang pulang kabayo
na nagsasalba sa’kin kapag gusto ko nang sumuko
buti na lang meron pang pulang kabayo
na nagsasakay sa’kin kapag gusto kong takasan ang mundo

[post-hook: jonas]
buti na lang meron pa, buti na lang meron pa
buti na lang meron pang pulang kabayo
buti na lang meron pa, buti na lang meron pa
buti na lang meron pang pulang kabayo

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...