letra de mahal - jom
[verse 1]
parang kahapon lang nung tayo’y magkasama pa
‘di maiwasan sa gabing ako ay mangamba
‘pagkat ikaw ang nakikita ko sa’n man tumingin
parang naaaninag pa kita sa’king salamin
parehas tayong may kulang, ‘wag na tayong magsisihan
sira na tayo, ‘wag na nating pilitin pang balikan
utak ko’y ‘di maayos kahit ang daming sinindihan
kaya kung babalik ka pa, ‘wag na lang
kasi baka mas lumala’t magkasiraan
bumibigat lalo ‘pag pinipilit mapagaan
siguro mas nasira tayo sa mga paraan upang ‘di tayo mawala
hirap na hirap akong itago, lungkot na nararamdaman
kaya gusto ko lang mapag-isa
kahit pilitin kong baliktarin, ‘yung tama ay gano’n pa rin
at alam kong mahal pa rin kita
[chorus]
ba’t ‘di mo masabi sa’kin na hindi mo na ‘ko mahal?
at di mo ‘ko kayang tignan sa mata nang matagal?
kabisado na kita, ‘lam kong ‘di ka masaya
mga nakaraan natin ay iniisip mo pa
‘di mo masabi sa’kin na hindi mo na ‘ko mahal
siguro ‘di ka pa handang mawala nang matagal
sa’king tabi kahit pinapakita mong may iba
‘wag mong itago, alam ko namang ‘di ka masaya
[verse 2]
naaalala mo pa ba nung tayo’y magkalayo?
madalas mang mag-away, palagi pa ring sa’yo
‘pag dumidilim paligid sa’yo tumatakbo
kahit papa’no naaayos utak kong magulo
ang ayos ng lahat, nung tayo’y magkasama na
‘di ko alam kung ba’t lagi akong nagiging tanga
kapag na aalala ko lahat ng ‘di magandang nakalipas
lagi ko pa rin ‘yon dinadamdam
nasasaktan na din kita kaya tinitigil ko na
kahit alam kong mahihirapan ako mag-isa
ayokong umalis ka, mahal na mahal kita
kaso ayokong makita na nadudurog ka
[chorus]
ba’t ‘di mo masabi sa’kin na hindi mo na ‘ko mahal?
at di mo ‘ko kayang tignan sa mata nang matagal?
kabisado na kita, ‘lam kong ‘di ka masaya
mga nakaraan natin ay iniisip mo pa
‘di mo masabi sa’kin na hindi mo na ‘ko mahal
siguro ‘di ka pa handang mawala nang matagal
sa’king tabi kahit pinapakita mong may iba
‘wag mong itago, alam ko namang ‘di ka masaya
[outro]
hmm, mahal na mahal kita
mahal kita, mahal pa rin kita
hindi na ‘ko masaya, ‘di na ‘ko masaya
‘di na ‘ko masaya, ‘di na ‘ko masaya
letras aleatórias
- さユり sayuri › letra de summer bug - さユり sayuri
- scum pop › letra de stalker - scum pop
- m1h1 › letra de andromeda - m1h1
- bubblegum octopus › letra de meredith's village - bubblegum octopus
- little voice cast › letra de tell her - little voice cast
- smoke dza › letra de uptown - smoke dza
- ricchi e poveri › letra de era mercoledì - ricchi e poveri
- angelus bellum › letra de lamento - angelus bellum
- braille › letra de poetry in motion part 3 - braille
- dj hamida › letra de introduction "a la bien mix party 2020" - dj hamida