letra de batangbakal - joey ayala
[verse 1]
trapik chong, kulong sa kotse
‘di k-mikilos, dalaw-ng oras na
batangbakal sa aking bintana
bakal ang pakay, baryang pantinapay
[verse 2]
kulay usok, kutis aspalto
mukhang desperado
nguni’t wala na akong barya
berdeng ilaw primera bigla
abante na chong, iisang dipa
[refrain]
ang kapal naman ng trapik na ito
sana’y tubuan ng pakpak ang kotse ko
batangbakal tama na
ubos na’ng aking barya
ang kapal naman ng trapik na ito
[instrumental break]
[verse 3]
pulang ilaw pinatay ko ang makina
bintana’y ibinaba, sila’y nagsilapitan
mga batangbakal kaya ko kaya
maging isa sa kanila sa ‘sang kisap ng staplayt
[verse 4]
sabi ko “oh, inyo na ‘to,” inabot ko ang susi
sila’y nagtawanan, at ang susi’y sinauli
impyerno’ng trapik nguni’t may kaligtasan
sa ngiti at tawanan ng mga bata
[refrain]
ang kapal naman ng trapik na ito
nguni’t may anghel sa tabi ng kotse ko
batangbakal halakhak
pahiram ng ‘yong pakpak
ang kapal naman ng trapik na ito
[refrain]
maglaho nawa ang trapik na ito
at ang lahat ng kahirapan sa mundo
batangbakal halakhak
pahiram ng ‘yong pakpak
ang kapal naman ng trapik na ito woah
letras aleatórias
- king of the dot › letra de hollohan vs. jack shitt (title match) - king of the dot
- rojelio › letra de genesis - rojelio
- big bz › letra de heavy on the sleeze - big bz
- ta1oxa › letra de еду к морти на курорт - ta1oxa
- empire cast › letra de chasing the sky - empire cast
- ohene savant › letra de u got exposed - o'hene savant
- velial squad › letra de xpocxlyptx - velial squad
- juri › letra de teflon don - juri
- la ley de michoacan › letra de a si son los michoacanos - la ley de michoacan
- tedeschi trucks band › letra de crying over you (live) - tedeschi trucks band