letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de talambuhay - joey ayala at ang bagong lumad

Loading...

[verse 1]
noong ako’y ‘sang bata pa ako’y nagtataka
kung saan nagmumula ang ilaw t’wing umaga
tinuro ni ina ang bilog ng araw
ito ay aking tiningnan at ako ay nasilaw

[verse 2]
ng-yon alam ko na ang araw ay isang bituin
at tuwing gabi sa langit ako’y nakatingin
libo-libong tala dito’y nagkikislapan
libo-libong kasama sa dilim at kalungkutan

[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
kasama sa dilim at kalungkutan

[verse 3]
nang tayo ay magtagpo sa parang ng buhay
pagkatao ko ay nagising sa ‘yong kamay
pinag-aralan natin ang sining ng pag-ibig
ako’y nagkalakas-loob, tumibay, tumindig

[verse 4]
ng-yon alam ko na ang pag-ibig ay isang bituin
batid mo ang tanglaw kahit ‘di kayang abutin
ika’y biglang tumungo kung saan ‘di ko alam
kasama ng-yon sa pag-iisa’y pag-ibig na naiwan
[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
aanhin itong pag-ibig na naiwan

[instrumental break]

[verse 5]
nang malasahan ko ang dahas nitong mundo
pag-ibig na naiwa’y nagkabagong-anyo
naintindihan ko na ika’y naging tala
ang ilaw mo’y tumatagos sa gabing nagluluksa

[verse 6]
ng-yon alam ko na kitang tanan ay mga bituin
mahina man ang ilaw, ang araw ay darating
at tayo’y liliyab
at ang gabi ay masisilaw
sa libo-libong kasamang
nagbibig-y-tanglaw

[refrain]
araw sa umaga
bituin sa gabi
tala ng buhay
kitang tanan pala’y mga bituin
pag-ibig natin ay magniningning

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...