letra de magkabilaan - joey ayala at ang bagong lumad
[verse 1]
ang katotohanan ay may dalaw-ng mukha
ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
may puti may itim, liwanag at dilim
may pumapaibabaw at may sumasailalim
[verse 2]
ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
ang malakas at ang mahina’y magkapatid
[refrain]
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
[instrumental break]
[verse 3]
ang hirap ng marami ay sagana ng ilan
ang nagpapakain, walang laman ang tiyan
ang nagpapanday ng gusali at lansangan
maputik ang daan tungo sa dampang tahanan
[verse 4]
may mga haring walang kapangyarihan
mayroon ding alipin na mas malaya pa sa karamihan
may mga sundalo na sarili ang kalaban
at may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan
[refrain]
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
magkabilaan ang mundo
[instrumental break]
[verse 5]
may kaliwa’t may kanan sa ating lipunan
patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban
pumanig ka, pumanig ka huwag ng ipagpaliban pa
ang ‘di makapagpasiya ay maiipit sa gitna
[verse 6]
bulok na ang haligi ng ating lipunan (magkabilaan ang mundo)
matibay ang pan-n-lig na ito’y palitan (magkabilaan ang mundo)
suriin mong mabuti and iyong paninindigan (magkabilaan ang mundo)
‘pagkat magkabilaan ang mundo (magkabilaan)
[refrain]
magkabilaan ang mundo (ang mudo’y magkabilaan)
magkabilaan ang mundo (oh)
magkabilaan ang mundo
letras aleatórias
- saldas sejas › letra de man tevis trūkst - saldās sejas
- rei › letra de cenizas - rei
- geraldo azevedo › letra de fases - geraldo azevedo
- matt mercado › letra de a cowboy like me - matt mercado
- rakova › letra de elegant - rakova
- laura voutilainen › letra de kirje itselleni - laura voutilainen
- sophy 王嘉儀 › letra de 厭世臉 rbf (dizparity remix) (簡體字/simplified characters) - sophy 王嘉儀
- lse › letra de flejefänger - lse
- nelson padilla › letra de mira alredor - nelson padilla
- lake avernus › letra de to be a dam - lake avernus