letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de hithit-buga - joey ayala at ang bagong lumad

Loading...

[intro]
ilayo mo sa akin ‘yang sigarilyo

[verse 1]
hithit-buga, hithit-buga
ang baga mo’y nangingitim
hithit-buga, hithit-buga
ang puso mo’y dumidilim
ang usok mo ay lason
ayokong langhapin
‘wag mo akong idamay
dahan-dahang patayin
ilayo mo sa akin ‘yang sigarilyo

[verse 2]
labas-pasok sa bibig (labas-pasok sa bibig)
labas-pasok sa ilong (labas-pasok sa ilong)
labas-pasok sa bibig (labas-pasok sa bibig)
labas-pasok sa ilong (labas-pasok sa ilong)
kay raming naiiwan sa loob ng katawan
may nicotine, may carbon
at kung ano pa diyan
ilayo mo sa akin ‘yang sigarilyo

[instrumental break]
[verse 3]
patay-sindi, patay-sindi
‘pagkat hindi mapakali
patay-sindi, patay-sindi
dahil may yosing katabi
pagkatapos mong k-main
kasama sa kape
uutang sa tindahan
‘pag wala nang pambili
ilayo mo sa akin ‘yang sigarilyo

[verse 4]
hithit-buga, hithit-buga (hithit-buga, hithit-buga)
laging kapos sa hininga (laging kapos sa hininga)
hithit-buga, hithit-buga (hithit-buga, hithit-buga)
ayaw mo na, gusto mo pa (hithit-buga, hithit-buga, hithit-buga)
nasunog na ang kuwarta
pati ang katawan
habang hindi pa naaadik
‘wag mo nang subukan
ilayo mo sa akin ‘yang sigarilyo

[outro]
ilayo mo sa akin ‘yang sigarilyo

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...