letra de bathala - joey ayala at ang bagong lumad
[verse 1]
bathala
likha ninyo ang bawat bag-y sa mundo
lupang kayumanggi’t luntiang bukirin
alat ng dagat at tamis ng hangin
bathala
ang bawat bag-y na nagmula sa inyong palad
ay may tungkulin sa mundong kinagisnan
sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang
[verse 2]
ang tao
inyong hinugis at pinaahon sa lupa
pinagkalooban ng talino at diwa
upang mundo’y ipagyaman
[verse 3]
talino
naging ararong nagpaamo sa parang
naging k-mpit na sumagupa sa karagatan
naging apoy na nagpalayas sa karimlan
sagana
sa kayamanan ang mundong inyong likha
at may bahagi rito ang bawat nilalang
kung susuyuin lang mula sa kalikasan
[verse 4]
subalit
buhay dalisay ay ‘di sapat sa iilan
sila’y nasilaw sa kinang ng kasakiman
ganid na diyos ang sinamba
[verse 5]
pinaghahati-hatian po nila ang lupa
karagatan at himpapawid ng-yo’y may bakod na
kapwa tao’t hayop ma’y inaagawan ng tahanan
walang nakaliligtas sa kanilang karahasan
kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya
subalit ang lumilitaw ay isang panggagahasa
[instrumental break]
[verse 6]
bathala
ako’y hinugis niyo’t pinaahon sa lupa
ang aking buhay ay dito nagmula
at dito rin inaalay
bathala
bigyang-lakas itong inyong tanod lupa
upang umiral sa mapagsamantala
p-n-langin ko’y dinggin sana harinawa
bathala
letras aleatórias
- sunshine christo › letra de numb - sunshine christo
- ceos › letra de cotidiano - ceos
- johnny stimson › letra de material things - johnny stimson
- levi ellis › letra de mind games - levi ellis
- janry tream › letra de chapman - janry tream
- loli 100k › letra de no me quiere - loli 100k
- liam clancy › letra de the water is wide - liam clancy
- jones cruipy › letra de nécessité - jones cruipy
- goodnight lavender › letra de home - goodnight lavender
- laura canales › letra de envidias - laura canales