letra de alimuom - jeniffer maravilla
[verse 1]
tandang-tanda ko pa, unang beses na nagkita
suot mo ay pula
sintingkad ng kasuotan ang sigla ng kalooban
‘di inaasahan na ganun ka rin pala
dahan-dahang pumatak na parang binalak
sa pagbuhos ng ulan, mga puso’y hinatak
hindi tadhanang maging isa
[verse 2]
mundo ay nag-iba, ang gabi’y tila umaga
sa t’wing kasama ka
at kay raming natutunan, dati’y ‘di sunod-sunuran
ngunit dahil may pag-ibig ay pinagbigyan
magkasama saan man ngunit ‘di makita
bumagyo nang biglaan, inipong pagdududa
lampas tao ang baha ng mga pinag-awayan
hanggang tayo’y nalunod na
[chorus]
(hey, yeah, hey, yeah)
(yeah, yeah, yeah)
bukas sa paggising ko’y walang tayo
(hey, yeah, hey, yeah)
(yeah, yeah, yeah)
kahit nandito ka pa sa puso ko
(hey, yeah, hey, yeah)
(yeah, yeah, yeah)
pagyapos nitong sakit ay hihilom
(hey, yeah) hihilom
pagkatapos ng ulan, may alimuom
(hey, yeah)
[verse 3]
hindi makahinga sa biglang dalaw ng kahapon (kahapon)
sa aking gunita
pero ‘di rin naman nais na muling mapasa-akin
nakalipas na pinili kong lisan
parang mayro’ng nabungkal sa butas kong puso
tadtad sa sugat ng mga pangako mong napako
kung mayro’n mang natitirang damdamin ko sa’yo
hamog na lamang ng pagsinta
[chorus]
(hey, yeah, hey, yeah, hey, yeah)
bukas sa paggising ko’y walang tayo
(hey, yeah, hey, yeah)
(yeah, yeah, yeah)
kahit nandito ka pa sa puso ko
(hey, yеah, hey yeah)
(yeah, yеah, yeah)
pagyapos nitong sakit ay hihilom
(yeah) hihilom
pagkatapos ng ulan, may alimuom
letras aleatórias
- yoda priest › letra de am sonntag - yoda priest
- goddess fiji › letra de skrt skrt skrt - goddess fiji
- president poss › letra de stu in the shed (feat. joegone) - president poss
- am la scampia › letra de gangsta luv - am la scampia
- amalia bloom › letra de to bide time - amalia bloom
- mxtvhe › letra de игрушка (a toy) - mxtvhe
- rick astro › letra de gracias - rick astro
- jerkshawty › letra de keep the castle warm - jerkshawty
- urban heat › letra de have you ever? - urban heat
- diana gordon › letra de nightime in the morning - diana gordon