letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de dikit - hank valencia

Loading...

verse i:
minsan na nga lang tayong magkikita-kita
hindi ka lang k-mikibo
minsan na nga lang tayong magsasama-sama
ngunit ika’y nagbago
sinayang mo ang panahon noong masaya pa tayo
kaya lagi ka lang lumalayo
tila may nakasaksak na mahirap tanggalin
nakakasakit ng damdamin

chorus:
ating ipunin ang nakakalat na katiting
nang walang anumang kapalit
magkapit-bisig tayo na singtibay ng dingding
doon tayo magkakadikit

hindi naman masamang humingi ng tulong
basta nandito lang kami para sa’yo
ang mga bundok at burol ay kailangang isulong
nang kayo’y hindi na muling mabibigo
(repeat chorus)

wala na, wala na, wala nang aatras
wala na, wala na, wala nang susuko
kailangan, kailangan, kailangang maging malakas
kakapit lang, kakapit lang, kakapit hanggang sa dulo
(repeat chorus)

(minsan na nga lang tayong magkikita-kita)
(wala na, wala na, wala nang aatras)
doon magkakadikit
(minsan na nga lang tayong magsasama-sama)
(wala na, wala na, wala nang susuko)
doon magkakadikit
(minsan na nga lang tayong nakipagkwentuhan)
(kailangan, kailangan, kailangang maging malakas)
doon magkakadikit
(muli nating buuin ang magandang samahan)
(kakapit lang, kakapit lang, kakapit hanggang sa dulo)
tayo’y magkakadikit

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...