letra de ahon - gloc 9 feat. bugoy drilon
buhay ay parang bisikleta lang
pumidal kung di na kaya pang humakbang
patag o malubak man ang daan
kahit na malayong pupuntahan
umahon ahon ahon ka
bumangon bangon bumangon ka
umahon ahon ahon pa
bumangon bangon bumangon ka
tanda ko pa nung bata pa
tatay ko mayrong dalang
pasalubong galing leveriza
isang maliit na bisikleta
na kalong kalong kalong nya
anak bangon bangon bangon na.
nung binata na at pumoporma
sa dalaga na kursonada
dahil walang kotseng ipoporma
dumadayong naka bisikleta
umahon ahon ahon pa.
ako’y tapon tapon tapon din pala.
buhay ay parang bisikleta lang
pumidal kung di na kaya pang humakbang
patag o malubak man ang daan
kahit na malayong pupuntahan
umahon ahon ahon ka
bumangon bangon bumangon ka
umahon ahon ahon pa
bumangon bangon bumangon ka
kapag ikaw ay natumba
pagpagin bangon ulit
di ka dapat mahiyang
matalsikan putik putik
kahit na gumulong ka
tiisin mo ang sakit
pag sikad sa kaliwa
sa kanan naman ulit
nakakalula ang ahon
di ko yata kakayanin
tuyo na ang lalamunan
salubong ka pa sa hangin
luto sa araw mag hapon
parang binilad na daing
papunta at pabalik
sa trabaho na mahiyain
ang sweldo di mag marka
parang pidal sa alulod
puwede kang mag pahinga
kesa naman masubsob
pawis sa mga mata
batok pati sa likod
di ka na makahinga
pagod ka pa sa pagod
parang bisikleta ang buhay
kahit minsan lang aralin
di puwedeng pasuray-suray
di pwede ang alanganin
ibat iba man ang kulay
mura o mamahalin
makakarating ka rin
mabagal man o matulin
letras aleatórias
- joao petra › letra de sou jogador - joão petra
- gippy grewal › letra de fark - gippy grewal
- danny chan 陳百強 › letra de 煙雨淒迷 yānyǔ qīmí - danny chan 陳百強
- hanoch › letra de never give up - hanoch
- igit › letra de voeu nu - igit
- alem dm › letra de değişmez sabağım - alem dm
- sxstem › letra de save our souls - sxstem
- chris cornell › letra de spoon man - chris cornell
- the nonstick pans › letra de man up, map! - the nonstick pans
- david odowda › letra de poor wayfaring stranger - david o'dowda