letra de liwanag ni luna - gengar07
[verse]
pwede bang mahawakan ang iyong kamay
susulitin panahong kasama ka bago magbukang-liwayway
binabalot ng liwanag mula sa mga bituwin
dinig ang himig ng gabi, habang ang gabi’y lalong lumalalim
[pre-chorus]
malamig ang simoy ng hangin
mga tala’y nagniningning
ang buwan nama’y lalong lumiliwanag
sinag niyang humati sa dilim
[chorus]
pwede ka bang isayaw sa liwanag ni luna?
sa gabing ito’y hindi ka nag-iisa
puno ng mga bulalakaw ang mga ulap
paikot-ikot hanggang sa tayo’y matumba
[verse]
pwede bang haranahin mula sa ‘yong tabi
kakantahan ka upang ika’y aking mapangiti
kakabisaduhin ang iyong mukha
mula sa iyong makikinang na mata hanggang sa mapupula mong labi
[pre-chorus]
malamig ang simoy ng hangin
tayo ay napaidlip
kapag ang gabi’y muling sasapit
ikaw ay aking tatanungin muli
[chorus]
pwede ka bang isayaw sa liwanag ni luna?
sa gabing ito’y hindi ka nag-iisa
pwede ka bang makayap ng mahigpit
habang nababalot ng liwanag ni luna
[outro]
huwag na huwag kang bibitaw
sa aking kamay habang
unti-unting tinatang-y ng hiwaga ng buwan
sa ilalim ng bitwin
tayo ay mananatili
habang sa atin umiikot ang kalawakan
letras aleatórias
- s4mu3l exe › letra de che noia - s4mu3l.exe
- johnjosephsvibe › letra de fyabofyab - johnjosephsvibe
- yandel zion lennox › letra de se me olvidó - yandel & zion & lennox
- mahro aq › letra de a wall apart - mahro aq
- saint winters › letra de dyaf - saint winters
- gxstpill › letra de supervillain - gxstpill
- party in backyard › letra de pewdiepie vs cocomelon (rap battle) - party in backyard
- april 에이프릴 › letra de paradise - april (에이프릴)
- helber mateus › letra de xote e saudade à um dia qualquer - helber mateus
- niki moss › letra de the rites of spring - niki moss