letra de eroplanong papel - gary granada
Loading...
nakasulat doon ang pangarap ko
ang mithiin ng batang musmos
at marahil ako ay katulad mo
na saksi sa paghihikahos
sana’y mayron nang tahanan
ang gumagawa ng bahay
at masaganang hapunan
ang naghahasik ng palay
ang bundok ay handang akyatin
dagat ma’y kaya ring tawirin
ang pangarap ko’y mararating
isang araw ay liliparin
ang matataas na pader
ng aking eroplanong papel
ang aking eroplano’y kasing kulay
ng iba’t ibang uring mukha
ng mga suot, awit at sayaw
at watawat ng bawat bansa
at ito ay hindi panaginip lang
kung tayo’y magkaisang tinig
kung ikaw at ako ay magtutulungang
pandayin ang bagong daigdig
ang bundok ay handang akyatin…
isang araw ay liliparin
isang araw ay bubuwagin
ang matataas na pader
ng aking eroplanong papel
letras aleatórias
- sweet eve feat nick menza › letra de miry clay - sweet eve feat. nick menza
- aliff and the awan › letra de pekak - aliff and the awan
- sargentorap › letra de vete a la verga - sargentorap
- rest dj fatte › letra de premiéra - rest & dj fatte
- 蔡阿嘎 › letra de 從今以後 - 蔡阿嘎
- el general villamil › letra de jaque mate - el general villamil
- lauri yrjola › letra de helppo elämä - lauri yrjölä
- prince rama › letra de bahia - prince rama
- tout simplement noir › letra de j'suis f - tout simplement noir
- lmorphine › letra de freestyle 1 - l'morphine