letra de sampung taon - ericson acosta
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
lunting mga punlang katatanim pa lamang
anu’t bigla-biglang pinagsasagasaan
palay na kay hitik, aanihin na sana
siya ay napahibik pagkat ng-yo’y wala na nga
at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taong gulang itong si luisita
ang sabi nya siya ay mayrong mga nakita
mga kabukirang tila walang hangganan
haya’t di malinang, sadyang binabakuran
bahay na kay liit at tanging kayamanan
siya ay napapikit pagkat ng-yo’y abo na lang
at nang siya’y tanungin kung san ba matatagpuan
ang taong salarin, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sampung taon na nga ng-yon ang pangyayari
si luisita’y nasa tiyan pa lang noon
ang tatay niya sa welga ay naging haligi
ibinuwal ng mga balang bumaon
at nang si luisita ay tanungin ng-yon kung san ba matatagpuan
ang taong siyang salarin noon, ang taong may kagagawan
ang sabi niya ay naroon
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (naroroon)
sa malacanang (mananagot)
sa malacanang (malalagot)
sampung taong gulang itong si luisita
letras aleatórias
- kn93 › letra de the fog - kn93
- kitsyojii 키츠요지 › letra de valentino girl - kitsyojii (키츠요지)
- don malik 던말릭 › letra de zen - don malik (던말릭)
- genova steffan › letra de per te, sorellina - genova & steffan
- yzomandias nik tendo › letra de 4ever 2bl hustl3 - yzomandias & nik tendo
- はるまきごはん harumaki gohan › letra de 1% (1 persent) (self cover) - はるまきごはん (harumaki gohan)
- team illuminati › letra de apocalypse - team illuminati
- hillsburn › letra de on a monday - hillsburn
- ethereal › letra de sign - ethereal
- suzanne vega › letra de undertow (acoustic version) - suzanne vega