letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de entropy - ensou

Loading...

[verse 1: hatsune miku]
lumipas na ang oras nandito parin ako
nagbibilang ng luha na hindi natutuyo
natulala at naliligaw sa aking isipan
ang ala-alang aking binabalik-balikan

[pre-chorus: hatsune miku]
pipikit na lang ako
kailan ba ito hihinto?

[chorus: hatsune miku]
sa bawat pag-sikat ng araw
madilim na paligid ang natatanaw
sa bawat pag-ikot ng mundo
ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo

[verse 2: hatsune miku]
sumisigaw sapagkat walang nakakadinig
nakatingin sa silwuta mong di umiimik
nakahiga at nalulunod sa aking pagluha
ang ala-alang ating di na malilimutan

[pre-chorus: hatsune miku]
pipikit na lang ako
habang ika’y lumalayo sa akin
[instrumental]

[bridge: hatsune miku]
ang kwento natin ay lumilipas at umuulit
saglitang umiihip na parang hangin
pag-sapit ng bukas ako ay umaasa muli
na ikaw at ako ay muling magkatabi

[chorus: hatsune miku]
sa bawat pag-sikat ng araw;
madilim na paligid ang natatanaw
sa bawat pag-ikot ng mundo;
ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...