letra de muli - ebe dancel
[talata]
nais kong hawakan ang mga kamay ng oras
yakapin at pigilin muna ang pagdating ng bukas
kung kaya ko lang
kung di pa naman huli
maari ba tayong
[koro]
magsimulang muli?
para bang unang pagdampi ng mga labi
isa pang pagkakataong itama
ang mali ng mga taon
kung di pa naman huli pwede ba tayong
magsimulang muli?
[talata]
kaya ba nating patawarin ang mga sarili
at hilumin ang mga sugat
na dulot ng pagmamadali
tao rin lang ako
nadadapa’t muling tumatayo
kung di pa naman huli
maari ba tayong
[koro]
magsimulang muli?
para bang unang pagdampi ng mga labi
isa pang pagkakataong itama
ang mali ng mga taon
kung di pa naman huli
[tulay]
habang ang mga puso’y tumitibok
oh wag tayong mapagod sumubok
[koro]
at magsimulang muli
para bang unang pagdampi ng mga labi
isa pang pagkakataong itama
ang mali ng mga taon
kung di pa naman huli pwede ba tayong
magsimulang muli?
letras aleatórias
- josshh › letra de show love ft. baelove - josshh
- euridianne › letra de naquela cruz - euridianne
- leci brandao › letra de um poeta amigo meu - leci brandão
- negroman › letra de rugrats - negroman
- aura rva › letra de hope is a prison - aura rva
- diligent delinquents › letra de funky v2 - diligent delinquents
- nastii › letra de mandrill cypher - nastii
- santino le saint › letra de the party - santino le saint
- le sacerdotesse dellisola del piacere › letra de quinto non rubare - le sacerdotesse dell'isola del piacere
- hande yener › letra de aşk elinde - hande yener