letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de katabi - earl generao

Loading...

[chorus]
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
kaya iwasan mo nang manghusga

[verse 1]
teka muna, teka lang, sandali
teka muna ‘wag ka namang magmadali
‘di naman lahat ng bag-y at pangyayari
ay kailangan ng iyong opinyon at masasabi
teka muna bago buksan ang bibig
tumahimik muna, maupo, makinig
‘di naman lahat ng pumapasok sa isipan
ay ang pinakamataas na katotohanan

[pre-chorus]
‘di naman kailangan nang buong mundong
malaman ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran
at hindi naman kailangan na lahat ay makikinig
sa sasabihin
ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan
ang pinagdadaanan ng makasalanan mong kapwa
tulad mo

[chorus]
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
kaya iwasan mo nang manghusga
[verse 2]
‘pag may nakitang basurero
sasabihin ng nanay, tatay mo
“anak, mag-aral kang mabuti upang ‘di ka matulad sa kanila”
alam niyo ba kung ba’t siya nagresolba sa pagbabasura
dahil kung ‘di mo naman alam, h’wag ka ngang ganyan
lahat ng tao may kaniya-kaniyang konstekto
na malalaman mo lang kung galing sakanya mismo
kaya h’wag kang makinig
sa sabi-sabi ng iba
kung ako sayo mas pipiliin ko nang tumingin
sa kabutihan ng mundo
bago ko papansinin ang mali
ng aking katabi

[chorus]
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
kaya iwasan mo nang manghusga

[verse 3]
bago naman ako matapos dito sa aking sinusulat
ang aking tanging hiling na lahat tayo ay mamulat
susunod na may makitang ‘di minimithi
‘di ka na mangungunang manuro ng daliri
ayoko rin maman nu’ng tipong nagmamarunong
gusto ko lamang tumingin ka sa sarili’t magtanong
tama bang pumulot ng bato’t batuhin
mga taong nagkakasala lamang din
[pre-chorus]
‘di naman kailangan nang buong mundong
malaman ang iyong kaalaman sa mundong nilalakaran
at hindi naman kailangan na lahat ay makikinig
sa sasabihin
ang iyong dapat malaman ay higit pahalagahan
ang pinagdadaanan ng makasalanan mong kapwa
tulad mo

[chorus]
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan niya
kaya iwasan mo nang manghusga
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan ng iyong katabi
‘di mo naman alam ang pinagdaraanan niya, ooohhh
kaya iwasan mo nang manghusga

[outro]
iwasan niyo na ang manghusga

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...