letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de ambon - david la sol

Loading...

[verse]
sumilong ka nang ‘yong nadama
ang unang patak ng ambon
tag-ulan nang tayo’y nagkakilala
at kay bilis naman nating tumila

[pre-chorus]
pagmasdan ang kaulapan
nang kita’y mahalikan

[chorus]
ngunit sumilong sa payong
nangangamba sa aking dalang
pag-ibig na kay lambing
katulad ng isang kalmadong ulan
[verse]
handa ka na sa pag-alis ng araw
nang masayaw kita sa gitna ng ambon
at hinayaang tumahan na lang
nang ‘di pa nabubuhos nang lubos

[pre-chorus]
naaaninag ang pagsikat
huli na nga ang lahat

[chorus]
nang sumilong sa payong
nangangamba sa aking dalang
pag-ibig na kay lambing
katulad ng isang kalmadong ulan

[bridge]
may dumadaloy sa ‘yong mga mata
ambon lang ba o luha
‘di kita sinisisi kung ‘di ka pa handa
sa ‘king dalang ambon

[chorus]
kaya’t sumilong sa payong
nangangamba sa aking dalang
pag-ibig na kay lambing
katulad ng isang kalmadong ulan
[outro]
‘wag nang sumilong sa payong
ibubuhos ko sa ‘yo lahat ng aking dalang
pag-ibig na kay lambing
katulad ng
katulad ng ambon

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...