letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de positibo - critz

Loading...

namulat na sa larangan
akin na itong nilakaran
di na pwedeng huminto dapat ay dire-diretcho kalang sa iyong paroroonan

wag mag alinlangan
ituloy mo lang ang laban
kahit pa di mo alam ang patutunguhan
basta’t wag na wag kang panghinaan

wala kang masasandalan
lakasan mo lang ang yong kalooban
kailangan mong panindigan
sarili mo lang ang tangi mong kalaban
kaharap mo na sa salamin
sa pag angat mo sya lang din ang tanging salarin

wag na wag kang kukurap
ikaw lang ay tumingin
darating ang panahon na ikaw din ay papalarin
matututo kana para sa mga maling nagawa
ngaun lahat nang naitama mo ay sa mali din naman lahat yan nagmula

kaya’t mag sumikap kalimutan mo lahat ng negatibo
lahat ng mga bumabagabag sa loob mo
alisin mo na dapat at palagi ka lamang positibo
wag kang mainip at ikaw din ay papanaog
balang araw makakapanik din sa tugatog

kaya mong mapuntahan kahit na mahirap man akyatan
madulas man ang hagdan ay iyo rin naman itong malalampasan
kaya dapat wag mo laging kalimutan
tuloy tuloy ka lang sa yong nilalakaran

kahit marami man sayo ang humahadlang
wag kang titigil sa iyong paroroonan
di ka man-n-lo kung hindi ka pumusta
parang sumulat sa papel na lapis ay walang tasa

kaya dapat lakasan mo ang loob at sumugal
basta’t umuusad ng pataas kahit pa na mabagal
wag mong pansinin ang sayo ay bumabatikos
laging tandaan na lahat din ay matatapos

magsipag ka lang tuloy tuloy mo lang ang byahe
kahit anong mangyare wag na wag kang gagarahe
konting tiyaga ka na lang at magbubunga din lahat ng paghihirap
isipin mo lang palagi na dapat ay samahan mo ng pagsisikap

utak mo ay dapat punuin nang kaalaman
wag palakihin parang walang pinag aralan
dapat ay tulungan mo lang ang iyong sarili
kasi lahat naman yan matutupad kasi wala ng imposible

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...