letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de mapa - chloe redondo & aikee

Loading...

[intro: chloe redondo]
mapa, mapa, mapa
mapa, mapa, mapa

[verse 1: chloe redondo]
siyam na buwan sa sinapupunan
dugo, luha at pawis ang naging puhunan
pinag-ukulan ng tiyaga at pagpapagal
ang tanging pinagkukunan ng lakas ay pagmamahal
sa lahat ng sandali, kailanma’y ‘di inisip ang kanilang sarili
mapamalagi lamang at mapanatili na araw-gabi
k-makandili hanggang sa paglaki at kahit
[chorus: chloe redondo]
sa’n makarating ang bilin niyo ang dadalhin
laging lilingunin, mga payo niyo ang bibitbitin
mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo
mapapanatag aking puso, ‘di ako maliligaw
dahil nand’yan kayo

[post-chorus: chloe redondo]
mapa, mapa, mapa
mapa, mapa, mapa

[verse 2: aikee]
mapatawad niyo po sana ang inyong anak na madalas nagkakasala
pagpasensiyahan niyo na kung minsan ‘di ko alintana
ang mga kamalian ko na hindi ko maitama
mga salita na pabalibag at padabog
ngunit kayo ni ayaw niyo ‘kong padapuan sa lamok
iningatan ‘wag mahulog sa papag ng hindi mabagok
nilunok ko ang pangaral hanggang sa huling lagok
na palaging baunin ang pagiging mabuti
walang batang napahamak na sumunod at nalugi
kayo ang humalili upang mapanatili
ang tatag ng tahanan dahil sa ilaw at haligi
walang ibang hangad, kundi ang mapabuti
maiayos, mapag-aral, mapatapos, at mapangiti
mapasaya, mapaganda ang buhay sa hinaharap
dala-dala ang paalala sa’n man mapadpad na kahit
[chorus: chloe redondo]
sa’n makarating ang bilin niyo ang dadalhin
laging lilingunin, mga payo niyo ang bibitbitin
mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo
mapapanatag aking puso, ‘di ako maliligaw dahil

[bridge: chloe redondo, aikee, ]
kayo ang lumalarawan sa patag kong mundo

hinarap, pinasan ang bigat, binig-y ang buong lakas
upang mapangalagaan at mapatunayan
dalisay na pag-ibig sa anak hanggang wakas kahit

[interlude: chloe redondo]
sa’n makarating ang bilin niyo ang dadalhin
laging lilingunin, mga payo niyo ang bibitbitin
mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo
mapapanatag aking puso, ohh

[chorus: chloe redondo, aikee]
sa’n makarating (sa’n man makarating)
ang bilin niyo ang dadalhin (ang bilin niyo ang dadalhin)
laging lilingunin (palaging lilingunin)
mga payo niyo ang bibitbitin
mapadpad man sa malayo, mapapalinaw ang malabo (ma, pa, ma, pa, ma, pa, ma, pa)
mapapanatag aking puso
nand’yan kayo
[post-chorus: chloe redondo, aikee]
mapa, mapa, mapa (ma, pa, ma, pa, ma, pa)
mapa, mapa, mapa (ma, pa, ma, pa, ma, pa)

[outro: chloe redondo]
mapadpad man sa malayo
mapapalinaw ang malabo
mapapanatag aking puso
‘di ako maliligaw dahil nand’yan kayo

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...