letra de tahan na - carlo (phl)
[verse 1]
pangakong ‘di luluha ang ‘yong mga mata
hahawakan ang iyong kamay, sa’n ka man magpunta
‘wag ka nang matakot, nandito lang ako
pipiliin kita kahit ‘di ka pinili ng nais mo
[chorus]
kaya’t tahan na
hindi ka na mag-iisa
sa istoryang ito
nangangako sa’yo pipiliin ka
kaya’t tahan na
[verse 2]
dahan-dahang talikuran ang kwentong nakasanayan
at buksan mo ang bagong yugto na kasama ako
ako’y iyong sandalan at pwede ring tahanan
na mababalikan kung sarili ay ‘di maintindihan
[chorus]
kaya’t tahan na
hindi ka na mag-iisa
sa istoryang ito
nangangako sa’yo pipiliin ka
kaya’t tahan na
[bridge]
darating din ang pangako
sa ating dalawa, sa ating dalawa
[chorus]
kaya’t tahan na
hindi ka na mag-iisa
sa istoryang ito
nangangako sa’yo pipiliin ka
kaya’t tahan na, ooh-ooh, ah-ahh
letras aleatórias
- margaret › letra de ej chłopaku - margaret
- 80 reef › letra de gold medals - 80 reef
- xander haze › letra de i love you - xander haze
- dudu aharon דודו אהרון › letra de 24 sha'ot - 24 שעות - dudu aharon - דודו אהרון
- raleigh ritchie › letra de time in a tree (live) - raleigh ritchie
- hot potato band › letra de pitaya dreaming - hot potato band
- j tsunami › letra de am i free yet? - j.tsunami
- flavio giurato › letra de aquile e corvi - flavio giurato
- hot dad › letra de holy - hot dad
- la mique › letra de twintelle - la mique