letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de pssst! - bullet dumas

Loading...

pssst!
tsong, de-kalibre ang nabubuong pangungusap
sa tuwing nababanggit ang palamuti mong pangalan

triya-ta-ta-ta-ta-ta-tan, talatang ‘to’y parang binuo ng
malilikot na salitang nagbibiruang magkaibigan
nagpipikunan, nagkukulitang igan

ika nga, ‘lika nga, dito ka sa ‘king tabi
tulad na tulad, palagi’t palagi
ale, matinding ale
nakikiusap, nabubulol sa nais maipamahagi

‘lika na dine, ‘wag nang tumanggi
utak bumbilya’y ubos na’t pundi
ale, matinding ale
dito at dito mananatili

pssst!
tsong, de-kalidad ang tindig ng bawat pantig na
maligalig at umiibig, umaaligid, patinig, katinig
halina’t makinig sa sulating sa tingin ko ay sigurado nga
at t’yak na t’yak na ‘yong mahihiligan, hmm

halika nga dine, ‘wag nang mag-atubili
damdamin at isipan na’y nayuyupi
ale, matinding ale
pag-asa ko’y hinati’t hinating kalahati

‘lika na dine, ‘wag nang tumanggi
utak bumbilya’y ubos na’t pundi
ale, lagot ka, ale
daw, ikaw, ikaw ang tanging napili, hmm

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...