letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de gloria - bukas palad music ministry

Loading...

[chorus 1]
minsan sa isang taon lamang
maririnig mga tinig ng nagdiriw-ng
sa kagalakan, ang niñong sumilang
naghari sa sambayanang
umasa at nag-abang sa kanya

[verse 1]
sa tinapay ay nagpupug-y (gloria, gloria)
kasabay ng alak at galak (gloria, gloria)
ating sinasariwa ang diwa (ating sinasariwa ang diwa)
ng kapaskuhang kanyang pagsilang
nang nabuhay ang kalangitan (kalangitan)
sa pagparito niya ay natupad na (ang)
ang pangako ng ama

[verse 2]
nagising sa pagkakahimbing
tupa’t baka, pati kambing
ang mga pastol ay naghabol
makita lamang ang sanggol
sa sabsabang kanyang sinilangan
doon, saan ay mapagmamasdan
si hesus ang manunubos
ang anak ng diyos
kaya’t magpuring lubos
[verse 3]
may “gloria” ang awit nila
at may “in excelsis deo” pa
ang mga anghel (ang mga anghel) ay naghatid (ay naghatid)
ng balitang ating nabatid

[chorus 2]
minsan sa isang taon lamang
maririnig mga tinig ng nagdiriw-ng
sa kagalakan, ang niñong sumilang
naghari sa sambayanan

[verse 4]
papuri sa kaitaasan (sa kaitaasan)
sa kanyang kinalulugdan (kinalulugdan)
huwag na magtimpi, magbunyi ng maluwalhati
“gloria in exclesis deo”
huwag na magtimpi, magbunyi ng maluwalhati
“gloria in exclesis deo”
gloria

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...