letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de sugod - blkd x umph

Loading...

daan-daang taon
sa pagkabusabos tayo’y nakabaon
mula no’ng panahon
ng mga banyagang mananakop magpahanggang sa ng-yon
nagbabago lang ang kulay ng kahon
tayo’y nakakulong, dukha, at gutom
hangga’t nakaangat mga buwayang nakabarong
pag-unlad ay paurong o gumagapang paahon
masdan, manipulado ang kaayusan
para magsilbi sa naghaharing iilan
pinagkakaitan tayo ng kaunlaran
pagka’t puhunan nila ang ating karukhaan
sa kanila tayo’y mga pyesa lamang
ng makinang tagalikha ng
kanilang yamang labis-labis
makinang langis ay ating pawis
sinong mayayaman? [sila-sila lang!]
sinong namumuno? [sila-sila rin!]
tayo’y naghahati sa tira-tira lang
habang yaman ng bayan ang kanilang piging
sinong namumuno? [sila-sila lang!]
sinong yumayaman? [sila-sila rin!]
tayo’y binuburo sa panlilinlang
sagabal sa pagsulong dapat gibain

walang kapaguran
tayo ang babago sa sumpang kaayusan
papandayin ang mga patakaran
upang pantayin ang mga kalakaran
walang pagmamalabis sa ating paghakbang
panawagan lamang ay mga karapatan
at kaunlarang makatarungan
dama sa kalunsuran at kanayunan
matagal na tayong nakikiusap
mga bingi-bingihan dapat nang itulak
may hangganan ang lakas ng batikos
dapat may sama-samang pagkilos
demokrasya ay isabuhay
maka-nakararami ang diw-ng tunay
hindi ibabalik ng mga gahaman
atin nang bawiin ang kapangyarihan
ito’y digma laban sa kagutuman at kahirapan
ito’y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan
ito’y digma laban sa pambababoy sa pamahalaan
ito’y digma laban sa pagsasamantala sa sambayanan

inalay man ang buhay
mananatili ka sa aming puso
ala-alang patunay
ang sumugod at lumaban ay patuloy mag-aalab ang sulo

mga kapatid, sugod! [sugod!] (x16)

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...