letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de tagu-taguan - bita and the botflies

Loading...

verse 1:
sabi niya “okay lang sa akin
maging pangalawa”
sabi nya, “magaling naman akong magtago
kahit mukhang gago”

la la la la

chorus:
tagu-taguan
maliwanag ang buwan
nag-aalangan, naglilinlangan
langit at lupa’y ginapang ko na
hindi ka pa rin makukuha

verse 2:
sabi mo naman, “magkita tayo
alas-dose
‘sang kalye sa cubao
sandali na lang
naghahanap lang
ng tyempo
sa kanyang himbing
i-eskapo”

dahan-dahang
humahakbang
lumulundag yung pusong
nang-aahas

chorus:
tagu-taguan
maliwanag ang buwan
nag-aalangan, naglilinlangan
langit at lupa’y ginapang ko na
hindi mo pa rin matataya

bridge:
paggising ko
wala na sa tabi
sinundan ko ‘yong mga bakas

nadatnang
magkahalikan
dinukot kong
balisong

la la la la

tagu-taguan
maliwanag ang buwan
nag-aalangan, naglilinlangan
langit at lupa’y ginapang ko na
sa wakas, nahuli ka

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...