letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de binalewala (rap version) - bigshockd

Loading...

[verse 1]
ikaw na pala
ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko
pakisabi na lang
na ‘wag nang mag-alala at okay lang ako

[refrain]
sabi nga ng iba
kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
hahayaan mo na mamaalam
hahayaan mo na lumisan, hmm
[pre-chorus]
kaya’t humiling ako kay bathala
na sana ay hindi na siya luluha pa
na sana ay hindi na siya mag-iisa
na sana lang
ingatan mo siya

[chorus]
binalewala niya ‘ko dahil sa’yo
nawalan na ng saysay ang pagmamahal
na kay tagal ko ring binubuo
na kay tagal ko ring hindi sinuko
binalewala niya ‘ko dahil sa’yo, dahil sa’yo

[verse 2]
alam kong masakit sa akin at kailangan kong gawin
ika’y aking palalayain at kailangan tanggapin
na iiwanan mo ako para lamang sa kaniya
titiisin ko ang sakit para lang lumig-ya ka
kaya malaya ka na at magagawa mo na ang gusto mo
‘di bale na ako ang umiyak basta para sa’yo
alam kong masaya ka na’t kasama mo na sya
ingatan mo sarili mo, ‘wag mong pababayaan, ha
nandito lang naman ako sa oras na kailangan mo
tatanggapin pa rin kita kahit sinaktan mo ako
ramdam ko naman ang lahat na wala ka nang pake
pero nandito pa ako dahil mahal kita kasi
ano man ang sabihin ng iba, sa’kin okay lang
pinagpalit mo ako sa iba, sa’kin ayos lang
palalayain na kita kung saan ka masaya
hiling ko lang na mahalin ka niya at lumig-ya ka
[pre-chorus]
kaya’t humiling ako kay bathala
na sana ay hindi na siya luluha pa
na sana ay hindi na siya mag-iisa
na sana lang
ingatan mo siya

[verse 2]
ingatan mo siya tulad ng pag-aalaga ko d’yan, pare
‘wag mong paluluhain ang katulad niyang babae
nagparaya na ako dahil ‘yun ang gusto niya
ang makasama ka at alam kong do’n siya masaya
sana ay magtagal kayo at ‘di siya nagkamali
na piliin ka niya para iwan ako sa huli
kaya pala nanlalamig na sya lagi siyang wala
kaya pala nagbago ang lahat sakin nawala
ang babaeng iningatan ko nang napakatagal
inibig ko ng totoo, hindi pala ako mahal
mali pala’ng paniniwala ‘ko, niloko ko sarili ko
sinasaktan ko lang ang sarili ko para sa’yo
mga pangarap nating kay tagal kong binuo
masisira lang pala lahat nang dahil sa’yo
ngunit gano’n pa man ang lahat ay hindi magbabago
mahal kita pero hanggang dito na lang siguro

[interlude]
na kay tagal ko ring hindi sinuko
binalewala niya ‘ko dahil sa’yo, dahil sa’yo
[bridge]
heto na’ng huling awit na iyong maririnig
heto na’ng huling tingin na dati siyang kinikilig
heto na’ng huling araw ng mga yakap ko’t halik
heto na, heto na

[refrain]
sabi nga ng iba
kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
hahayaan mo na mamaalam
hahayaan mo na lumisan

[outro]
kaya ingatan mo siya

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...