letra de kwentuhan - autotelic
[verse 1]
kaibigan
baka pwede ka munang maka-kwentuhan?
nakikiramay
ang paborito mong serbesas at nangangalaw-ng kong gitara
ano’ng balita?
mukhang may ‘di nakatulog kagabi
mga mensaheng nais mong iparating
inipon sa bote, mga dasal, saklolo’t paumanhin
[pre-chorus]
kwentuhan muna tayo
kwentuhan muna
[chorus]
sa ‘yong pag-alis
isalarawan ang iyong mundo
ano’ng natatanaw?
mga tumatakbo sa isip mo
[post-chorus]
kwentuhan muna tayo
kwentuhan muna tayo
[verse 2]
paulit-ulit
sa mga payong ayaw mo nang madinig
pasensiya na’t lagi kitang kinukulit
at sa aking pagmumukha na
saw-ng sawa ka nang makita
huwag kang magalit (‘wag ka sanang magalit)
hindi naman kita pipigilan (hindi kita pipigilan)
gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin
kwentuhan tayo hanggang sa muli
[chorus]
sa ‘yong pag-alis
isalarawan ang iyong mundo
ano’ng natatanaw?
mga tumatakbo sa isip mo
[post-chorus]
kwentuhan muna tayo
kwentuhan muna tayo
[bridge]
ba’t hindi ko nakita sa mga mata?
ayaw pahiwatig na nasasaktan ka na pala
‘di naman kami nagkulang na suyuin ka
sabi mo pa, “ayos lang ako, wala namang problema”
paulit-ulit kinukulit
ayaw sagutin ang tawag, magkwentuhan nang saglit
marami namang ibang paraan pero piniling mamaalam nang ganyan
kwentuhan muna, ‘tay
[chorus]
sa ‘yong pag-alis
isalarawan ang iyong mundo
ano’ng natatanaw?
mga tumatakbo sa isip mo
sa ‘yong pag-alis (‘wag ka sanang magagalit, ‘wag ka munang aalis)
isalarawan ang iyong mundo (harapin mo rin ang sagot sa ‘yong sakit)
ano’ng natatanaw? (‘wag ka sanang magagalit, ‘wag ka munang aalis)
mga tumatakbo sa isip mo (harapin mo rin ang sagot sa ‘yong sakit)
letras aleatórias
- cinco › letra de le bonheur - cinco
- patti page › letra de down the trail of achin' hearts - patti page
- taniya jada › letra de brown & beautiful - ta'niya jada
- hi rez › letra de another lie - hi-rez
- lauren bousfield › letra de crawling into a fireplace cackling - lauren bousfield
- victornotnice › letra de marlboro's (prod by. blindforlove) - victornotnice
- syura › letra de candak - syura
- los mortero › letra de vichamos - los mortero
- amillieofficial › letra de foreign - amillieofficial
- kanye west › letra de dark fantasy (hw version) - kanye west